C86: Apology

67 7 0
                                    

Writinginnosense © Stories


 

CHAPTER 86

"Apology"


 

KATH'S POV



Ganito pala kasakit iyon, ganito pala kasakit ang iwan ka ng isang taong mahalaga sa'yo, ganito pala kasakit na huli na ang lahat at wala ka ng magagawa. Ganito pala kahirap ang lahat, ang daming papasok sa isip mo.


Kung alam ko lang sana...


What if nakinig ako? What if nagbigay ako ng kaunting oras? What if binuksan ko ang puso? Iba kaya ang nangyari?


Hindi ko alam.


Kasi ibang ang pinili ko, ibang tsansa ang kinuha ko. I grabbed the chance to get angry for every damned reason.


Totoo nga na ang what at if are two non-threatening words pero kapag pinagsama silang dalawa, parang bombang sasabog na lamang sa iyong harapan.


Kahit ilang balde pa ng luha ang iiyak mo, ilang salita ng pagpapatawad ay hindi namaibabalik ang panahon, hindi na maibabalik ang oras. Minsan naisip ko ng mas mabuti na hindi na lang siya ang naging popsee ko, sana namatay na lang siya, I actually wished for that. And now the wish is granted, at nagsisisi akong naging ganid ako sa paghihiganti na nakalimutan ko ang efforts nila para sa akin, para mapatawad ko sila.


Naghihintay ako na magsalita sila para humingi ng tawad, pero hindi pala nila sinasabi iyon, ginagawa na pala nila, at eto akong galit, hindi ko na-realize iyon. Huli na ang lahat, wala na akong magagawa pa. Wala na. Wala.


Muling lumandas ang luha sa aking mga mata. Sorry dad, hindi ko kaagad maibiigay sa'yo ang hinihingi mong ngiti, hindi ko pa kaya. Hindi pa kaya ng puso ko. Masyadong mahirap. Masyadong masakit.


"Anak, may bisita ka." Napalingon ako kay momsee at tumingin sa direksyon ng pintuan. Nakita ko ang EC at JN na papalapit sa akin. I thought hindi ako ang pinuntahan nila kundi si Jessica na nandito rin, I let her stay. Ayokong ipagdamot si popsee, na-realize kong may karapatan din siyang dumito.


Tumayo rin si Maria na nasa tabi ko lang, ilang araw na rin niya akong sinasamahan at dinadamayan ngayon.


Nang makarating sila sa harapan ko ay akala ko gagamitin nila ang pagkakataon na mahina ako para gumanti but I was wrong, I didn't expect the word will came out of their mouth. "Sorry, Kath." My heart melted, lumapit sa akin si Bianca at hinawakan ang kamay ko.


"Sorry, cous. I'm really sorry." Pinisil niya ng bahagya ang aking kamay. Tiningnan ko silang lahat, they have this apologetic look in their face, at kahit wala silang sabihin, nararamdaman ko ang sinseridad nila sa paghingi ng tawad sa akin.


Everything was meant to change, it's either you accept it or you'll die of ignorance.


Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon