C26: Provoked

96 10 0
                                        

Writinginnosense Stories © 2014

***

 

 

Chapter 26

"Provoked"

 

 

KATH'S POV

"MARIA!" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw. May tapon din siya ng red ice tea sa uniform niya at gulo na ang buhok niya, pero hindi siya kumikilos samantalang kumpara sa aming dalawa ni Ully, siya itong palaban.

Napatingin silang lahat sa akin pero wala akong pakialam. Agad kaming tumakbo ni Ully papalapit. Ang aga-aga mukha na siya agad na wasted.

Pero bumalik lang sila sa paglibot kay Maria na hindi nagsasalita. "Ano? Kunyari ka pa!! E lahat naman nilalandi mo!" Nagulat ako sa paratang niya kay Maria, maraming crushes si Maria but I never heard she butting in any relationship, like a third wheel.

Pilit kong hinawi ang mga estudyante hanggang mapadpad na ako sa gitna. Hindi ko naman sinasadya pero impulse na naitulak ko si Brittany, nakaharang kasi siya e. Siya rin yung nagsalita kay Maria kanina.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Maria habang inaayos ko yung buhok niyang gulo na. Baka sinabunutan siya. Hindi, sigurado akong sinabunutan siya. Tumango lang si Maria, straight-face lang siya. Tinulungan ako ni Ully na itayo si Maria.

"Pakialamera!!" Sigaw ni Brittany.

Itinulak ako ni Brittany palayo. "Pakialamera kang malandi ka rin e 'no!" sabay niyang sigaw sa akin.

Pero sobrang nagpanting yung tenga ko sa sinigaw ni Brittany, sinabayan pa ng tawa ng mga kaibigan niya. Ilang beses ko nang narinig yung panlalait na 'yon o pang-aasar man pero iba ang naging dating niya sa akin ngayon.

Masyadong good vibes ang araw ko para ma-bwiset pero hindi ko talaga alam kung bakit ako nagalit pero sumusobra na sila, kumbaga puno na ang salop!!

"Tama na! Pwede ba?" Nagulat silang lahat dahil sa sigaw ko pero ngumisi lang si Brittany, parehong ngisi na nakita ko kala Venus o Kesha tuwing sumasagot kami, sadya man o hindi. "Ano? Lalaban ka na —"

"Hindi mo kami titigilan? What you did can 'cause you first offense of bullying plus 1 month of community service, the accomplice would be treated equally, and I can prove that." I swallowed hard. Dati ko pang gustong sabihin yun. Kala Kesha pa lang, but I know it wouldn't be that easy, especially, we're easy prey her at school.

Brittany laughed humorlessly. "Bravo! And you really think you can do that? Against us? You can't." Mas lalong lumaki ang ngisi niya, feeling victorious. Yung mga kaibigan niya ay nakangisi rin. Yung iba namang nakikiusyoso lang ay inaabangan yung mga susunod niyang sasabihin, o ang sasabihin ko.

"Talaga? You wanted to try me? Your daddy lawyer knows that. You wanted him to know that his perfect daughter got failing grades on Algebra and Biology? And got suspended for a week? I'm sure he doesn't know that. Would you think your mom could still cover you up?" Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang saya ng pakiramdam na napatahimik ko siya. Gustung-gusto ko ng sabihin yun, matagal na. All the time, alam ko ang Achilles' tendon nila, those people who taunt us countless times, but I just let whatever they did pass.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon