C27: Confession

95 10 0
                                        

Copyright © Writinginnosense 2014

***

CHAPTER 27

"Confession"

 

 

KATH'S POV

Kahit na successful ang performance ko ay nahihiya pa rin ako, dahan-dahan akong bumaba ng stage, mamaya matapilok pa ako e, saying naman ang effort ko na magmaganda sa performance ko. Pero okay naman, hanggang makarating ako sa dulo ng auditorium, hindi ko na yata kayang umupo sa tabi ni Zoey, mamaya kasama pala sila sa trip na 'yon, sinigurado lang nilang mag-stay ako do'n. Papalabas na sana ako nang makita kong harangin ako ni Venus, nasa likod niya si Bianca na hindi nakatingin sa akin.

"Nakaligtas ka sa shame ngayon ah." Halatang-halata ang sarcasm sa boses niya pero hindi na lang ako nagsalita, ayoko ng gulo, lalo na't maraming tao rito na hindi lang galing sa school namin at pati na rin sa iba.

"Pero alam mo bang napahiya mo 'ko? Umaasa akong matatawa ako, well, hindi nga nagsisinungaling si Mio, sayang! Ready pa naman ako sa entertainment, pero hayaan mo, next time full na ang entertainment ko." Hindi na niya ako hinayaang magsalita pa, agad siyang naglakad paalis. Nang dumaan siya sa tabi ko ay binangga niya ang balikat ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit sila sa akin, or kung bakit may sama ng loob ba sila sa akin o sa amin kasi lagi na lang silang parang may nakahandang bago para sa amin, parang ginagawa nilang sukatan yung mga ginagawa nila para sa kasikatan nila, ewan ko, bakit ba kailangang idamay pa kami?

Haay! Buhay!

Naglakad na ako papunta doon sa mga lagayan ng bisikleta, at napabuntunghininga lang ako na yung bike ko flat na ang gulong at ang mas malala pa doon ay hindi ko maintindihan kung paano nabaluktot yung katawan nung bike. Lumapit pa rin ako kahit na sira ito atsaka inalis yung padlock. May letter pang nakalagay.

 

Now I'm entertained.

Parang ang bilis naman yata? Parang kanina lang nandun sila Venus ah? Or hinanda na nila 'to kung sakaling magback-fire ang plano nila? At paano naging entertaining ang paninira sa gamit ng iba? Haaay! Ewan!

"Are you alright?" Napalingon ako kay Zoey.

"Obviously, hindi." Kasi hindi naman talaga, kakabili lang ng bike ko e. Nag-umpisa naman na ako maglakad habang pinapagulong ko sa tabi ko yung bike ko na medyo gumegewang kasi yung katawan nga ng bike ko, pabaluktot.

Medyo na-surpresa ako na naglalakad siya sa tabi ko.

"Sasabay ka? Hindi ka ba susunduin?" Lagi ko kasi siyang nakikitang sinusundo ng sasakyan nila, s'yempre para sa isang tulad ni Zoey, delikado, mayaman sila e. Mayaman din naman kami e. Pero dahil hindi pa naman talaga ako pinapasama nila momsee sa mga social gatherings ay hindi pa talaga ako kilala plus hindi naman talaga halatang mayaman din ako, unlike Zoey, since lalaki siya, habang bata pa siya ay binubuksan na ang kanyang isipan sa lahat ng mamanahin niya at papatakbuhin niyang business. Panganay pa siya.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon