Copyright © Writinginnosense 2014
***
Chapter 28
"Truth and Exchange"
Tuesday.
Mukha akong bangag nung pumasok ako kinabukasan. Buti na lang talaga nakatulog ako pagkatapos kong umamin kay Zoey, ano ba naman kasing pumasok sa utak ko at umamin ako ng wala sa oras, aist! Ang sarap sapakin ng sarili e!!
Well, hindi niya ako sinagot-err, hindi siya nagsalita pero ngumiti siya sa akin. Ano naman kayang ibig sabihin ng ngiti niya? Ewan! Buong gabi ko na iniisip yun kaso hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin no'n e, wala man lang kasi siyang clue na: a) okay lang; b) gustong-gusto rin kita or c) ang ganda mo. Kahit isa man lang do'n, 'wag lang yung A, 'di ba? Pero ngiti? Ang labo!
Dala ko ngayon yung bagong bike sa bahay.
Nakasalubong ko si Lucas at hindi ko maintindihan kung bakit ang sama ng tingin niya sa akin, galit pa rin ba siya sa akin nung time na 'yon? Kasi naging big news sa school yun e. Hindi ko lang maintindihan kung bakit after one week ay nawala yung issue pero sure ako may kinalaman si Lucas do'n. But don't get me wrong ah, hindi ko rin naman gusto na maraming nag-uusap tungkol sa kanila, nahiwagaan lang ako why it died away easily.
Yumuko na lang ako. Bahala na. Gaya ng usual na ginagawa namin ay nagreview kami kasi Friday na yung contest namin, kinakabahan ako. Lalo akong napi-pressure, wala na raw muna kaming pahinga, may onti kasing nagbago sa rules e. Solo scores hanggang difficult round tapos ia-add tapos magti-team quiz bee na.
Natapos ang klase na hindi na naman ako pinapansin ni Zoey, pero okay lang. Keri naman na 'yon, wala talaga akong mukhang maihaharap sa kanya. Sobra-sobra ang hiyang nararamdaman ko dahil sa mga pinagsasasabi ko sa kanya kagabi. Ang tabil kasi ng dila ko e.
And what more? Dahil sa busy sched ay hindi na rin ako makapag-update sa Twitter, Facebook at blogs ko, ang dami ko kasing ginagawa e. Magkatabi kami ni Ullysis ngayon, sabay na kaming umalis sa office ni sir.
"Sana manalo tayo 'no?" Saad ni Ully. "Ully, 'wag ka ngang kakabahan, ikaw pa? Sa talino mong 'yan? Ikaw nga! 'Wag echosero."
"H-hindi n-naman-"
"Maria!!" Nagulat ako nang makita ko si Maria, akala ko kasi hindi siya pumapasok, wala siya sa klase kanina at hindi ko rin siya nakita kahapon. Tumingin naman siya agad sa amin. Pero parang may bago, wala yung malakas na boses niya na agad na sisigaw pagkakita sa amin, wala yung pagngiti niya agad, ang nakikita ko lang ay ang cold look niya sa amin at bigla na siyang naglakad ulit paalis, hahabulin ko sana siya nang pinigilan ako ni Ully. "Kinausap ko na siya, hindi ko alam kung bakit ba talaga siya galit sa atin." Napakamot ng ulo si Ully.
"Haay! Lilipas din 'yang galit ni Maria, wait lang ah. Cr lang ako." Paalam ko sa kanya. Bigla akong naihi nang makita ko si Maria e.
"Grabe 'no! Yung issue about Alexa and Lucas, hindi ako makapaniwala."
"Ako nga rin e. Hindi ako naniniwala nung una, kaso may video pa, totoo talaga."
"Balita ko pa, sobra raw nagalit yung mga magulang ni Lucas dahil do'n"
Napatigil ako sa paglalakad, sa sobrang pre-occupied ako sa kakiligang nagaganap sa buhay ko, ni hindi ko na napansin na may nasisira na palang buhay dahil sa akin, hala! Buhay pa ni Lucas?! Pero...hindi ko naman sinasadya e. In the first place, hindi naman ako ang nagpasimula no'n, siya rin. Yun nga lang, natuklasan ko yung kalokohan nila, but I didn't intend to tell that to anyone, it's none of my business, bakit ba kasi kay Bianca ko pa nasabi? Pero hindi ko naman siya masisisi, alam kong matagal na niyang gusto si Logan, and it would definitely kill her na makitang niloloko lang siya ng taong mahal niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Подростковая литератураSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...