C04: Terrified

160 14 3
                                    

Writinginnosense © 2014

--

CHAPTER 4

"Terrified"

KATH'S POV

Halos panayuan na ako ng dugo. OMG! O_O Narinig kaya niya yung mga sinasabi ko sa isip ko? Hala! Sana hindi! Sana Sana Sana! Sana hindi! >_<

Nakakahiya kaya! "Hah? S-sorry Z-zoey. Akala ko k-kasi walang t-tao."

Napahawak ako sa batok ko at napayuko. Ganap na ang kahihiyan na nararamdaman ko. NKKLK!

"Di ba p'wedeng umalis ka na lang? Ang ingay mo eh."

"O-okay. S-sige!"

Yumuko pa ako para magbigay galang. Sa lahat sa kanila. Sa kanya ako pinaka-ilag kasi siya raw yung pinaka-straight forward sa lahat. Pinakamasakit din magsalita, at baka hindi ko i-keri 'yun. Crush ko lang siya kapag nasa basketball court siya. Pero jusko, hindi ko type ang mgI masusungit.

Lumabas na ako ng garden. Nakakahiya talaga yung mga pinaggagagawa ko. Nakakahiya talaga. >//< Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

Hehehe. Wala naman talaga akong mukhang naihaharap sa akin 'di ba?

Pagkalabas ko, nakasalubong ko na sina Maria at Ullysis. Hindi pa rin ako makapag-get over kay Zoey. Kahit pagmamaldito ang sinabi niya sa akin.

Tweet: Yieee! :""> Kilig na kilig na ako rito! Hehehe.

"Oyy! Bakit ngiting-ngiti ka diyan?"

"AYY PALAKA!! Jusko naman Maria, 'wag ka namang manggulat."

"Tsk! Maria ka ng Maria, Mary, Mary Serrano is my beautiful name."

Maarteng sabi niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung paano namin siya nakasama eh. Basta isang araw, kinausap na lang niya kami at voila! Kasama na namin siya sa grupo.

"Ang arte mo naman, o lika na. Tapos naman na yata yung grand welcome ng JN eh."

"Oo nga eh. Hindi nga masyadong matagal eh, kasi magpa-practice sila later this afternoon kasi may event agad na in-organized para sa Jimmy Neutron band. Ang aga 'no? Teka! Napuntahan mo na ba si Mr. Tonton? Kasi hinahanap ka niya sa akin kanina eh."

"Ang dami mong kinwentong hindi ko naman tinatanong, hay nako! Oo nga pala, punta muna akong library, magpapatulong pa sa akin si Mr. Tonton eh."

Pumunta na agad akong library. Kahit maraming mayaman sa school, lagi pa ring nabibisita ang library, why? Required sa school ang magkaroon ng records ng pagbabasa ng libro na galing mismo sa library.

Kailangan ng 5 books in a month. At s'yempre, para malaman kung talagang nagbasa nga sila, may evaluation sa nga nabasa nilang libro. And since laman ako ng library, magpapatulong sa akin si Mr. Tonton sa pag-aayos ng records.

Si Ullysis daw kasi mamaya pa, para naman sa questions. Siya lang naman ang running for Valedictorian, although may 4 years pa kami sa high school, sigurado na ako na siya 'yun.

Naglakad na ako paalis sa kanila matapos kong magpaalam. Consistent 2nd rank ako lagi, next to Ullysis. Tapos 3rd sa rank si Jessica. Matalino eh.

Pagdating ko sa library, nagpatulong lang talaga sa akin si Mr. Tonton, wala kasi siyang assistant kaya nagprisinta na kami ni Ullysis.

"Ms. De Silva, maiwan lang kita sandali rito ah. Pinatawag lang kasi ako ni Mr. Chairman para sa records for last year."

"Ahhh. Sige po sir."

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon