C54: Fate

70 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories
--

CHAPTER 54
"Fate"

SAMANTHA'S POV

I barely made it during the rest of the party, halos hindi ko na nagawang ngumiti sa mga bisita, there's this part in my heart that is feeling pain, alam kong dapat by now naka-move on na ako, but that was a lie I can't even tell to myself. Wala akong karapatan na masaktan, kasi ako yung nanakit, but the hell it is, I've been constantly regretting everything for the past two years, bago ako matulog lagi kong iniisip kung anong nangyari kung sakaling iba ang desisyon ko. But there is no way I will know it, kasi iba ang naging desisyon ko, and I choose to break his heart and I regret it.

"How's the party, Samantha?" Napatingin ako kay mommy, "It was fun mom." I said, ngumiti lang sa akin si mommy at bumalik na ang tingin niya sa sasakyan, the driver opened the car for her, sumakay na si mommy followed by dad, magkasama kami ni Lucas sa susunod na sasakyan.

"So was it fun? Taking my spot from me?" Nakangising tanongsa akin ni Lucas bago pumasok sa sasakyan, ngumiti lang ako sa kanya bago magsalita. "For the record, I didn't take it, you gave it." Napatingin siya sa sinabi ko.

"Nakalimutan mo na? You dug your own grave, hindi ko na kasalanan kung tanga ka." Ibinalik ko na ang tingin ko sa harapan, sandaling nawaglit sa isip ko si Mio and I've waited for years bago ko maisahan si Lucas, I have confidence now.

"You wait for me, I'll surely take it back." He said gritting his teeth. "I won't let you. Bago mo pa maagaw to, I'll secure it, hold it tightly in my hand." Ngumisi ako sa kanya, he seemed to get even more mad at me. Bumalik na ang tuon ko sa harap. Kasalanan mong hindi ka marunong mag-prioritize, you can't have it all, Lucas. You must sacrifice something big before getting what you wanted.

Bahagyang lumapit sa akin si Lucas and whispered, "Make sure you're really holding tightly to it, you have to remember that more than you, I have to do a little effort to get it back. And when I have it in my hands again, you'll can only try, but you'll never have it again." Matapos noon ay umayos na siya ng upo, I know that his threat is true, but I can't afford to show to him that I am affected.

After few minutes ay dumating na rin kami sa mansion, the butler opened the door and I went out of the car. "Well, you can never can tell, ikaw pa naman yung tipong pasimpleng nasa loob ang kulo." Nakangiti kong sabi sa kanya bago pumasok sa loob ng mansion, the servants bow at me, hanggang sa umakyat na ako papunta sa kwarto ko at isinara yung pinto.

Agad akong nagpalit ng damit at nahiga sa kama ko. Napatingin ako sa phone ko, it's already 1 in the morning, napatitig ako sa kisame ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagod, pagod na ba akong lumaban?

Napatitig akong ulit sa cellphone ko and unconsciously checked of something. Napahinto ako sa pag-scroll ng contacts ng mapadpad ako sa number ni Mio, hindi na ako sigurado kung eto pa ba yung number niya, napatitig ako.

Siya ang isinakripisyo ko in order to be in this position.

Hindi ko sinasadyang mapindot yung call icon at bago ko pa ma-end yung tawag ay sinagot na niya.

"Hello." Para akong kinilabutan sa pagkakarinig ng boses niya, hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. "Uhmm..." Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa labi ko.

"Hello? Sino to? This is Mio Aquino, who's this?" Bumilis ang tibok ng puso ko, and for the moment, tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

Hindi na niya alam na ito ang number ko, he probably deleted my number. I felt a pang of pain in my chest.

Inilagay ko ang cellphone ko sa dibdib ko at pumikit. There's no room for regret this time. I don't have the right to regret it, I made the choice, dapat kong panindigan iyon.

"Hello? Ibababa ko na yung tawag." Next thing I heard was the busy tone. Dapat masaya ako ngayon, worth it ang sakripisyo ko, dapat masaya ako, I know na hindi maiiwasan na malungkot ako at times, regret my decision but what can I do? I can't undo it, what's done is done, I just have to savor the pain and weight of my decision. That is for the better.

Hindi ko na maintindihan ang isip ko, parang lagi na lang itong nagtatalo, sa kung ano ba ang dapat kong gawin. Argh! Ang gulo!!

--

Maaga akong pumasok sa school, nakaka-miss din pala na may outlet ka na nalalabasan mo ng galit, simula nung nawala yung loser na yun, yung kaibigan niyang lalaki, he's changing and the other girl, nasa ibang section na, it's boring sometimes.

"Malapit na pala yung semestral break, saan tayo pupunta?" Tanong ni Jessica sa amin while we are at our own place.

"How about Sagada?" Van suggested. "It's too crowded there." I say, umayon naman si Kesha sa sinabi ko, masyadong maraming tao sa Sagada ngayon.

"How about Boracay?" Napatawa ako sa suggestion ni Xavier because I know what he is thinking right now. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa Boracay bro? Doon ka nagbakasyon this Summer imbis na sumama ka sa amin sa New Zealand." Van said.

Napaisip ako, now that I am on good terms with mom and dad, baka pumayag na sila na magbakasyon kami sa rest house namin sa Batangas. "Sa Batangas, sa rest house namin doon." I suggested. "Yun ba yung may white sand?" Tanong ni Jessica, tumango lang ako.

"Let's go there." Pagsang-ayon ni Kesha, I'm pretty confident about it.

Maya-maya ay nakarinig kami ng katok mula sa pinto at binuksan ito. "Uhmm...excuse me. Samantha, we have a meeting today, after lunch time sa council room for the foundation week."

"Okay, I'll be there." I'm part of the council, since my parents always wanted us to be in the council, although nung una hindi ko talaga gusto dahil sa responsibilities but I came to realize that in a way to earn my parent's approval for me is to show that I am capable.

--

After lunch ay dumiretso na ako sa council room, we do it in a formal way so we sat in order, I am the Internal Vice President of the council. Umupo ako doon sa assigned seat ko and I pulled out my phone, I texted mom's secretary para ipaalam yung rest house sa Batangas.

Napatingin ako sa pagbukas ng pinto and I was surprised to see Mio, nakalimutan kong siya pala yung External Vice President at doon siya umupo sa tapat ko and he's looking straight at me. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, bibihira lang kasi kaming nagmi-meeting and I almost forgot na kasama ko siya council.

Maya-maya lang ay nag-umpisa na ang meeting, hindi ako maka-focus sa pakikinig sa meeting agenda namin ngayon, nag-umpisa na ang meeting and I am trying to jot down notes until the president called me.

"Samantha." Napatingin naman ako sa kanya, gusto ko sana siyang malditahan to make her see what her place is pero napatingin ako kay Mio.

"Yes?" I asked. "I am asking if pwedeng ikaw na sa sponsors ng events? Last year, you handled it, what if isama natin si Mio? I'm sure makakatulong siya." The president said. I know wala siyang alam, pero hindi ko maiwasang mainis sa katabilan ng dila niya.

"I can do-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Mio. "I'll do it." He smiled at them, mukha naman silang satisfied. Napatingin siya sa akin and in an instant, his smile is gone.

I guess this is fate playing around, again.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon