Writinginnosense © 2014
***
CHAPTER 10
"Denied?"
KATH'S POV
Umaga na naman. Haaaay! Pagkababa ko, buti na lang talaga, maaga-aga ako nakatulog. Mga 12 mn. Nako! Inantay ko rin kasing dumating sila momsee at popsee. Ang kaso, hindi ko na sila naabutan.
May pinuntahan kasing party sila momsee eh. Yung party para kay Lucas Steffan, ewan. Dapat nga kasama ako kaso hello! Kesa mag-ganun, magti-Twitter na lang ako, Fb atsaka Tumblr. Samahan ko pa ng pagbabasa ng stories sa Wattpad, 'di ba?
Pagkababa ko, ang sumalubong sa akin ay si Yaya Yeye at si Yaya Yoyo, magkakambal sila. Astig ng pangalan 'no? Hahaha.
"Si momsee po?"
"Ayy. Tulog pa sila Katkat. Madaling-araw na sila nakauwi mula doon sa party eh." Sabi ni Yaya Yeye, sabi ko kasi sa kanila, wag na akong tatawaging ma'am. Noong una, ayaw nila pero ako na nag-insist. Dyahe kaya pakinggang 'ma'am', parang ang tanda ko naman na. Hello! I'm only 15 years old.
"Ahh. Sige po."
Kumain na ako ng breakfast. Nakaayos na rin kasi ako para sa pagpasok. Nakaligo na ako. Maaga ako nagising eh.
Pagkatapos ko kumain.. nagpaalam na ako paalis. "Ya Yo, una na po ako. Pasabi na lang kay momsee na nakaalis na ako."
"Sige po."
"Ya Yo!! Wag mo na akong i-Po, parang ang tanda ko na eh." Natawa na lang si Ya Yo.
"S-sige po, este, Katkat."
"Okay po."
Nagpidal na ako. Usual routine lang. Punta ng school tapos binati lahat ng school personnel. Bike lang ako. Gaya nga ng sinabi ko nung mga nakaraang chapter, para iwas sa pollution.
Tweet: Good Morning! :)
Buti na lang talaga nako! Wala akong nakasalubong na EC or JN. Well, EC, mamaya pa yata papasok yun. At ang JN, mas mamaya yun. May band practice daw yun sabi ni Mary. Tsk! Eto ang nakakainis sa school eh! Special treatment! Hmp!
Kunsabagay, 3 months from now, Battle of the Bands na.
*bzzt bzzt*
1 message received
From: @MarySerrano
Nandito kami ni Ulls sa tapat ng building ng high school dept., may mega tsismax akey sa'yo.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...