Chapter 26

136 4 11
                                        

Maricris' POV

Lumipas na ang sembreak, undas, pasko at bagong taon pero hindi pa din nakikita ng mga pulis kahit anino ni Raven at ng pamilya niya.

Wala namang nangyaring kakaiba at hindi maganda nitong mga nakaraang buwan kaya medyo panatag na sila, pero ang henyo kong utak, mapapanatag lang kapag nahuli na sila. Tsk!

"ATE!!"

Nabatukan ko si MM dahil nagulat ako sa eskandalosong sigaw niya. Langya!

"Tulala ka dyan Cris? Gutom na gutom lang? Hahahha!"- Jem

Sinimangutan ko lang siya. As usual, nandito kami sa Table8 sa canteen. February na kaya busy busy din kami lalo na si Jer, palibhasa graduating. Edi siya na! Pero Henyo naman ako, whahaha!

"Oo nga noh, ang tagal dumating nung order natin! Kumukulo na ang tiyan ko oh!"- reklamo ko

Natawa lang sila...

"Kailangan talaga i-announce yun Ate?! Talaga naman!"- MM na naman... Sus!

"Wag ka nga! Pasikat ka na naman dyan, booo!"- sagot ko

Hinampas naman ako ni Nara... Napangiwi ako kasi medyo malakas yun, shet baka magkapasa pa to, meron pa naman ako ngayon!

"Ang bad mo talaga Cris! Tsk! Anyway, malapit na ang birthday natin Jem! Any plans?"- Nara

Dumating naman bigla yung order namin. Kaming tatlo, si MM at Jay lang dito dahil may ginagawang papers daw sina Jer at Cente ngayon.

"Nasa out of town sina Mommy at Daddy nun eh kaya balak kong yayain kayo mag gimik! Oo nga noh, hindi pa pala tayo nakakapag bar together!"- hyper na sagot ni Jem

"Naku MM hindi pa tayo pwede sa ganyan! Team bahay tayo sa valentines nito. Hahaha!"- Jay

Natawa lang kami dun.

"Pass din ako dyan, alam ninyo namang nasa sementeryo kami sa 14 tsaka may defense din ako kinabukasan sa major ko..."- sabat ko na din

Sumimangot lang sina Jem at Nara sabay sigaw ng...

"ANG KJ! HMP!"

"Magdidate na nga lang kami ni Hon sa 14! Next time ko na lang kayo ititreat!"- Jem

"Aba pwede namang ngayon te! Itreat mo na kami ngayon, mas maganda kung advance kasi swerte daw yun! Wahahha!"- sabi ko... Yown gutom pa ko eh!

Umirap lang sila ni Nara sakin.

"Ayoko nga! KJ mo eh!"- pagtataray ni Jem

Nginisihan ko na lang siya saka kumain ulit... Sayang yun ah!

"Ano tol, may date din ba kayo ni Ate Nara sa 14? YIEEE!"- pang aalaska ni Jay at tawa ako ng tawa nung maging kamatis ang mukha ni MM. Hahahha!

Si Nara naman napakagat lang sa labi at halatang hinihintay din ang sagot ni MM. Sus!!!

"Loko! Depende kung papayag siya..."- sagot ni MM

Humiyaw kami at sabay pa kami ni Jem sa pag-alog kay Nara. HAHAHHA!

"Girl! Pumayag ka na! Hahahah!"- Jem

"Nara, wag kang child abuse! Isusumbong kita kay Cente! Hahahah!"

Sinamaan ako ng tingin ni Nara pero nginisihan ko lang siya dahil namumula naman siya.... Tinapang yan!

"Hoy MM! Bawal kang makipag date sa 14! Lagot ka kay Mama! Mamaya lang mumultuhin ka na nun!"

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon