Chapter 12

193 6 2
                                    

AN: Flashback po ito… Nangyari sa Book1

February 16 ****

Dan’s POV

“Sir Dan, may naghahanap po sa inyo sa labas, Cris daw po?”

Napatingin ako sa secretary ko.. Nasa opisina ako ngayon at teka…

“Si Cris? Papasukin mo siya dito…”

“Yes Sir”

Medyo nabigla ako nung pumasok si Cris dito… May klase sila ah?

“Hello po Mang Danny!”- bati niya sakin

“Oh Cris! Paano ka napadpad dito? Kasama mo ba si Mikhail? Sila Jem?”

Nahihiya siyang umiling… Napangiti ako, ang batang to talaga!

“Ehh nag-cutting po ako at hindi nila alam na pumunta ako dito…”- nagkamot pa ito ng ulo at mukhang medyo tuliro ito

“Ganun ba? Maupo ka… Gusto mo ba ng kape---“

“AH! Juice na lang po! Hehehe!”

Natawa ako at agad na binigyan siya ng juice na mabilis nitong naubos.. Huminga ito nang malalim

“Sorry po sa abala Mang Danny pero mahalaga po kasi ang sasabihin ko at ayoko pong malaman ng iba to…”- seryosong panimula niya

Umupo ako sa katapat na upuan… “Ano yun Hija?”

Tumingin siya sakin at napangiwi… “Ahh wait lang po, san po ang CR dito? Kanina pa po ako nawiwiwi eh!”

Natatawa kong tinuro ang CR dito sa loob ng office at parang bibe din siyang naglakad patungo doon… Pinigilan kong matawa nang malakas dahil alam kong mahihiya siya… Haay! Hindi na ko magtataka kung magkakagusto sa kanya si Mikhail! Walang dull moments pag kasama mo si Cris eh! Ooops sorry hindi ako bias ah!

Nagseryoso na ulit ako nung makabalik siya, hindi pa din mapakali si Cris…

“Mang Danny diba alam ninyo po yung tungkol kay Raven? Yung ex ko?”

Tumango ako

“Nagpakita po ulit siya nung 14, nung nasa sementeryo po kami… Gusto niya pong makipagbalikan sakin…”

Nagulat ako sa sinabi niya at parang alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito…

“Naiintindihan ko Cris… kung mahal mo pa siya---“

Nanlalaki ang mata na tumingin sakin si Cris…

“HINDI PO GANUN! Ah sorry po Mang Danny pero wait lang po di pa po ako tapos!”

Napangiwi ako sa lakas ng boses niya pero halata sa mukha niya ang kaba at pagkabalisa

“Sige kalma ka lang! Teka ikukuha kita ng tubig…”

Isang lagok lang yata niyang ininom yung tubig saka huminga ng malalim.. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil seryoso talaga si Cris ngayon…

“Ewan ko po talaga kung paano pero alam po ni Raven ang tungkol sa contest!”

Natulala ako sa sinabi niya

“Ang una ko pong hinala ay kay MM niya nalaman pero hindi ko pa po siya nakakastigo ay nagtanong na siya sakin kung nagkabalikan na ba kami ni Raven at kung paano na ang contest… Tinanong niya din kung sinabi ko ba kay Raven ang tungkol dun kaya malamang po ay hindi si MM ang nagsabi… Imposible naman pong si Papa dahil hindi siya nakikialam sa mga ganoong bagay.. Haaay!”- halatang inis na ginulo ni Cris ang buhok niya…

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon