Chapter 14

178 6 1
                                    

Paris’ POV (Third Person)

Alas otso na ng gabi at nasa daan pa din pauwi ng kanilang bahay si Mikhail. Hinatid pa kasi niya si Cris matapos nitong gumawa ng proyekto kasama ang mga kagrupo nito. Halos araw-araw niya itong inihahatid dahil hindi na ito nagagawa ni Raven.

Syempre siya lang ang nakakaalam sa “paghatid” niya. Kumbaga sinusundan lang niya si Cris hanggang sa matiwasay itong makauwi sa bahay nila. Tsk.

Dumaan siya sa isang gasolinahan dahil mauubos na ang gas ng motor niya.

“Good evening Sir!”- masiglang bati ng gasoline boy

Nag-angat ng tingin si Mikhail at nabigla nang makita kung sino ang gasoline boy.

“Raven?”

Napansin niyang medyo namutla si Raven nang makilala sya pero ngumiti din agad ito.

“Diesel ba sir? Magkano po?”- sabi nito

“Ah 80 pesos...”- sagot na lang din ni Mikhail

Hindi na nagkibuan ang dalawa hanggang sa makaalis si Mikhail sa gasolinahang iyon. Nagtataka siya kung bakit nagtatrabaho si Raven, alam niyang may kaya ito sa buhay.

“Tss. Alam kaya yun ni Tomboy?”- nasambit na lang niya

------------

Maricris’ POV

Kinalabit ko si Ven na nakakatulog (na naman) dito sa klase namin. Halatang antok na antok siya. Ano kaya pinaggagawa nito?

Siguro nagliwaliw to kagabi? Nakng!

Hindi pa din siya nagising kaya kinurot ko na siya ng konti. Napaigtad naman siya at inaantok na tumingin sakin. Grabe puyat na puyat yata to ah! Nag aadik siguro tong gagong to... pansin kong laging bangag eh!

Dumilat sya at “nakinig” sa Prof namin pero maya maya ay pumikit na naman siya... Napa face palm na lang ako... Takte bahala syang mahuli dyan!

LUNCH

“Ohyeah kumpleto tayo ngayon! Wow naman!”- MM

Oo nga noh? Himala yata? Nagsiupo na kami at nagtaka ako sa seating arrangement namin

Ganto kasi ang pwesto namin ngayon...

Cente>Ako>Raven>Jem>Jerwin

TABLE

Jay>Janelle>MM>Nara

Dahil henyo ako, kaduda duda to dahil dapat nakadikit si Nara kay Cente AT! Bakit si Jem ang isa pang katabi ni Ven? Dapat si MM eh! Anyare?

Umorder na kami ng pagkain AT may kaduda duda na namang nangyari.... Nilibre ni MM si Nara ng lunch pero hindi yon ang nakapagtataka, PUMAYAG LANG NAMAN SI NARA NANG BUONG PUSO! TAKTE! Eto ang mas nakakapagtaka, si Jer naman nilibre din si Raven! (si Jem yung isa pa malamang) AT BUONG PUSO AT KALULUWA DING TINANGGAP YUN NI VEN!

Dedma lang sila at parang ako lang ang naninibago sa nangyayari.. Tsk! Hindi muna ako umorder agad, baka kasi may kaduda dudang manlibre sakin edi AYOS! BWHAHAHA!

“Hoy Cris! Nakangisi ka na naman dyan, ikaw nalang hindi umo-order!”- Nara

“Aba oo nga noh? Himala! Di ka pa gutom?”- Jem

Tinignan ko silang lahat na may hawak ng tray na may lamang pagkain... Langya wala man lang manlilibre sakin? DAYA! Umorder na lang ako at yun lumamon na kami... Tsk!

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon