Chapter 45

79 4 1
                                    

Maricris' POV

"Cheers! Tagay pa para sa future!"

"CHEERS!"

Ininom ko ang isang shot ng San Mig. 

Naghiyawan na naman sila nung naubos ang kanya kanyang shot.

"Whooo tara sayaw tayo! Madaming chicks sa dance floor!"

Si Albert iyon.

Nandito kami ngayon ng mga kasamahan kong Intern sa isang maingay na bar na malapit lang sa building ng Alejandro Footware. 

TGIF kasi at sweldo day kaya nagkayayaan.

"Tara pre! Oh girls, dito lang ba muna kayo?"- Steve

Sumenyas naman si Rose na ayos lang kami dito kaya iniwan na kami ng limang lalaking kasama namin dito sa table.

"GRABE ANG SAYA! WHOO!"- si Alice iyon

Naghihiyawan kami tuwing nag uusap dahil sa ingay ng music. Tsk!

"MALALASING TAYO NITO! Ayaw ninyo bang lumipat ng bar? May alam akong tahimik na bar!"- sagot ko naman

Shit nahihilo na ako! Paano ba naman, halos inom lang kami ng inom dahil hindi kami makapagkwentuhan dahil nga sa ingay!

Natawa lang sila at nag cheers na naman. Langya mga namumula na eh!

Parang baliw lang silang umiinom habang panaka nakang umiindak kahit nakaupo. Hindi na ako umiinom dahil kaunti na lang ay malalasing na talaga ako.

Maya maya ay nagkakantiyawan na bumalik ang mga kasamahan naming lalaki sa table.

"Shit akala ko talaga ay legit chick iyon! Kabaro ko din pala na nag salamat Doc!"- Steve

Nagtawanan naman kami at patuloy siyang inasar ng boys.  

"Oh kung gusto ninyong sumayaw dun, lakad na! Basta wag lang kayo magtatagal masyado at baka mabastos kayo..."- Albert

"Naka BA naman kami kaya malabong mabastos kami dito noh... Unless ganun kami kadyosa!"- Helen na nag beautiful eyes pa.

Ang harot talaga! Nagtawanan kami at isa isa na silang tumayo. Ako na lang ang natirang nakaupong babae kaya hinila ako ni Rose pero hindi ako nagpatinag sa kinauupuan ko.

"Tara Cris! Wag ka ngang KJ!"- pilit niya sa akin

"Ayoko! Okay na ako dito..."- tanggi ko

Sa huli ay napagtulungan nila ako kaya napilitan akong sumama. Shit nahihilo ako lalo!

Nakipagsiksikan kami sa kumpol ng mga tao at tuwang tuwa silang sumasayaw doon. Pinagtitinginan kami dahil nga naka business attire kami, buti sana kung naka skirt kami pero slacks pa talaga ang suot namin! Naka coat pa nga ako eh. 

Para lang akong tuod dito habang katabi si Rose na parang naging instant party animal. Lol palibhasa ay lasing na!

Maya maya ay pakiramdam ko ay may humawak sa bandang hita ko. 

Shit!

Dali dali akong umalis na para makabalik sa table namin. 

"Uy kailangan ko na umuwi. Kayo na ang bahala sa kanila ah, mga lasing na ang mga yun eh. Sige!"- nilapag ko ang ambag ko sa lamesa at nagpaalam na sa mga lalaki naming kasama.

Nakahinga ako ng maluwag nung nakalabas na ako. 

Ayoko talaga sa mga ganitong lugar!

============

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon