Jem's POV
Everyone of us was dumbfounded when Cris told us the sad truth.
Bigong nag uwian ang relatives nila Espren. Walang salitang umakyat sa kwarto niya si Espren matapos iyon.
And now we are all here sa garden. Sa may tabi ng pool.
"Minsan hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang... Kung bakit ganyan ang anak kong yun, gustong laging sinasarili ang problema!"- galit at malungkot na wika ni Tito Migs
Ni pat siya nina MM at Nara sa likod.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Pa! Alam mo namang kay Mama lang talaga nagsasabi lagi ng problema si Ate kaya nung namatay siya, wala na siyang mapagsabihan...Hindi naman natin pwedeng pilitin si Ate na mag open up sa atin kung ayaw niya... Matigas ang bungo nun!"- alo ni MM kay Tito
Maya maya ay pinauwi na sila ni Tito Dan. Hindi kasi pwedeng magpuyat si Nara dahil nga buntis. Umuwi na din ang iba pa at kami na lang ni Hon ang naiwan.
"I feel guilty... Naaalala ko kung paano natin inaway si Cris nung nakipaghiwalay na lang siya basta kay Espren... No one tried to hear her side..."
I can't help but tell that. Lahat kasi kami ay kampi noon kay Espren. Kahit nga si MM na kapatid ni Cris ay nagalit din sa kanya.
"Wala namang may kasalanan, Hija... I respect her decision pero ika nga nila, hindi habang buhay ay maitatago mo ang sekreto mo..."- Tito Dan
"Naaawa ako kina Kuya at Ate Cris! Kung tutuusin ay dapat nga eh pinakauna silang nag settle down tapos ganito ngayon..."- Jay
I felt Hon's hand on mine. I gave him a weak smile.
"Kung naiba lang ang sitwasyon ay malamang nga ay happily married na sila ngayon..."- Hon
Natahimik kami. Tito Dan gave a long sigh.
"I thought this day will be one of the happiest for my family... Don't get me wrong, bunso... I'm forever proud of you... Nalulungkot lang ako para sa Kuya mo... You know how much he wants to have his own happy family..."- Tito Dan
"I don't know Tito, maybe Espren should just learn to accept that Cris is not the one for him? Patuloy lang silang magkakasakitan kapag hindi pa siya bumitaw..."- wika ko
"Hon! Don't say that! I still believe na sila pa din talaga... Malalampasan din nila ito..."- kontra sa akin ng asawa ko
Tito Dan sighed again. Bakas sa mga mukha namin ang lungkot.
"I think Jem is right, Jerwin... Alam ko kung saan nanggagaling si Cris, she knows Mikhail wants a family but she believes that she can't give that to him... Kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa..."
We are all shocked sa sinabi niya. Tito Dan is the one who never lose faith on Espren and Cris. Kahit nga nung naghiwalay ang dalawa ay hindi siya gaanong naalarma.
Not until now. There is a tone of defeat in his voice.
Walang nakapagsalita sa amin. Tama kasi siya.
Tumayo na si Tito.
"Thank you at nag stay kayo. Sa guest room na kayo matulog ha. Gabi na masyado para umuwi pa kayo..."- aniya sa amin
"Dad! Suko ka na ba talaga?! No plans at all?!"- hirit pa ni Jay
Umiling lang si Tito.
"Maybe I have to make a contest again... Para maka move on ang Kuya mo.."