Chapter 49

117 5 1
                                    

Paris' POV (Third Person)

Hongkong

Tumunog ang orasan na nakasabit sa dingding. Mula sa pagbabasa ng business plan ay napatingin doon si Mikhail.

Alas otso na ng gabi. 

"She's home..."- sambit nito sa sarili.

Tinanggal niya ang kanyang salamin at tumayo sa kinauupuan. Kinuha niya ang phone at tinawagan si Cris.

Habang ginagawa iyon ay nakadungaw siya sa bintana kung saan ay maliwanag na nakatayo ang mga nagtataasang buildings.

Nagdasal siya sa utak niya na sana ay sagutin na ng babae ang tawag pero hindi iyon nangyari.

Matapos ang tatlong subok ay basta na lang niyang inilapag ang phone sa lamesa. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng hapunan at ng isang malamig na lata ng beer.

Humarap siya sa laptop at habang kumakain ay nagtipa siya para tapusin ang business report na ginagawa.  

Natigilan siya at napatanga noong nakitang may tumatawag sa Skype.

Maricris is calling...

Nakasuot siya ng salamin kaya malinaw na malinaw ang pagkakabasa niya sa screen.

Nang matauhan ay agad niya iyong sinagot.

Kumabog ang dibdib niya noong nasilayan ang fiancee.

Seryoso ang mukha nito at matapang ang mga matang nakatingin sa kanya. Gustuhin man niya na pakunutin ang noo ay hindi naman niya magawa.

Basta na lang siya napatanga sa kaharap kahit pa nga may screen na nakapagitan sa kanila.

"Cente..."

Sa wakas ay nagsalita na ito. Namaos pa ang boses nito at tila hirap na hirap magsalita.

Tumikhim siya sa kabila ng pagtindig ng balahibo na naramdaman. 

Damn! I missed that voice!

Sa isip isip niya.

"Cente... Ayoko na... Tapusin na natin to..."

Pakiramdam niya ay umikot ang mundo niya sa narinig. Patuloy niyang tinitigan si Cris na ngayon ay tikom na tikom ang bibig at diretso din ang mga matang nakatitig sa kanya.

Guni guni niya lang ba iyon? O talagang nagsalita ang kausap niya?

"Why?"

Gusto niyang murahin ang sarili dahil iyon lang ang nakaya niyang sabihin. Kinuyom niya ang kamao dahil sa halo halong emosyong nararamdaman.

"Hindi mo ba nakikita? Parehas tayong abala. Wala na tayong time para sa isa't isa--"

Uminit ang ulo niya sa narinig kaya hindi pa man ito natatapos ay nagsalita na siya.

"Don't give me that bullshit! We made time for each other and we have fucking time for each other, Maricris! I am guilty that I ignored you and I am sorry for that! Tapos ngayong ako naman ang humahabol sayo, gumaganti ka dahil ibinabalik mo sa akin ang ginawa ko---"

Tumigil siya sa pagsasalita noong biglang tumawa ang babae.

"Ganti? Bakit naman ako gaganti sayo? Hindi ako ganyang klase ng tao, Cente. Lalo lang tayong magkakasakitan kung itutuloy pa natin ito..."

Kumunot ang noo niya.

"Ilang linggo na lang at uuwi na ako dyan, Tomboy... Can't you just wait a little longer? After a month of not talking, bubulagaain mo ako ng ganito?!"

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon