SPECIAL CHAPTER 5.2

266 4 1
                                    

December 25

Maricris' POV

"Sa wakas dumating na din ang kukumpleto sa tres marias preggies! Akala namin absent kayo eh!"

Ngumisi lang ako at nagmano kay Daddy Dan. Buntis kasi kami ngayon nina Jem at Nara. Ang galing nga dahil halos magkakasinlaki na ang baby bump namin pero mas malaki ang sa akin ng kaunti dahil kambal itong nasa sinapupunan ko. 

Umakyat naman agad sa taas si Cente para ihiga na muna si Vimiko na nakatulog sa byahe.

"Sorry po... Traffic po kasi eh!"- sagot ko naman

"Siya sige! Mag merienda muna kayo nitong apo ko sa dining! Nandun sila lahat!"

Hinila ko si Criscent papuntang kusina at agad na sumalubong sa amin ang mga bata doon.

"NINANG HENYO! PAMASKO PO NAMIN?!"

Nagtawanan kami. 

"Sige mga bata huthutan ninyo lang ang kuripot ninyong Ninang! Wahaha!"- Jer

"Ang tagal ninyo dumating! Muntik na kayong maubusan ng merienda!"- Jem

Sinamaan ko ng tingin ang mag-asawa. Nag-bless na si Criscent sa mga walanghiyang Ninong at Ninang niya.

"SINO MUNA ANG PINAKA HENYO AT PINAKA FAVORITE NINYONG NINANG?!"- hiyaw ko sa mga bata

"IKAW PO SIYEMPRE NINANG HENYO!"- sabay sabay naman nilang sagot

"Very good! Mamaya na ang mga regalo ninyo ha?! At dahil correct answer kayo, manghingi kayo ng sampung piso kay Ninong Mikhail, okay?! Sinabi ko kamo!"

"YEHEEEY! TARA HANAP NA NATIN SI NINONG!"- pasimuno ni Clarky, panganay nina Carlo at Carla

Tuwang tuwa naman silang nagtakbuhan papunta sa sala. Napapalatak ang mga magulang nila. 

"Ang galing mo talagang mang-uto, Cris!"- Nara

"Kanina ka pa nga inaabangan ng mga bata tapos sampung piso lang ang ibibigay mo, Ate?! Tsktsk!"- MM

Tumabi na ako kay Criscent at kumuha ng pagkain.

"Oy may mga regalo pa kaya ako sa kanila! Di ninyo ba narinig ang sinabi ko kanina?! Tsk!"- tatawa tawa ko namang depensa

Susubuan ko na sana si Criscent pero naunahan ako ni Jeremy. Katabi din siya ng anak ko.

"Oh Jeremy! Ako na ang magpapakain sa batang to... Maglaro ka na dun!"- taboy ko sa kanya dahil siya na lang ang natirang bata dito maliban kay Criscent

Ngumiti naman siya sa akin. 

"Okay lang po, Ninang! Ako na po ang magpapakain kay Scent..."

Kinilabutan ako nung tiningnan niya ang anak ko. Ang anak kong grabe ang dungis habang tuwang tuwang kumakain.

Nagkatinginan kami ni Jer. Kumindat lang siya sa akin. Si Jem naman ay ngumiti lang din sa akin. Anak ng?!

"Kuya Vimi! Anyare sayo?!"- Carla na buhat ang bagong baby nila

Sila lang ni Carlo ang nagpa family planning sa amin eh! Pangalawa pa lang nila yun!

Napatingin kami sa asawa ko at napahagalpak kami ng tawa nung nakita ang hitsura niya. Gusot na gusot ang damit niya at mukha siyang hinalay ng sampung bakla!

"Hula ko ay na-harass ka ng mga chikitings, Kuya! Hahaha!"- kantiyaw ni Carlo

Ngumiwi lang si Cente at tumabi sa akin. Kumuha na din siya ng pagkain.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon