Chapter 43

104 4 1
                                    

Maricris' POV

"Merry Christmas! Ho ho ho!"

Nagtawanan kami nung sumayaw sayaw pa ang naka Santa Claus costume. Palabas na kami ng building dahil uwian na.

Maliwanag na ang paligid dahil sa Christmas lights at higanteng Christmas tree. 

"Merry Christmas din Santa! Pero September pa lang eh!"- wika ni Rose saka tinanggap ang binibigay na regalo ni Santa.

Tiyak kong pakulo ito ni Mang Danny! Wahaha!

"Ho ho ho! Araw araw pasko dito sa Alejandro Footware!"

Natawa na naman kami. Sino kaya to?!

"Thank you Santa!"

Nakipagharutan pa kami sa kanya saglit tsaka tuluyan nang lumabas ng building. Malakas ang kutob ko na si Mang Danny yun pero imposible naman.

"Bye Cris! Ingat!"- kaway sa akin ni Rose.

Kinawayan ko din siya tsaka sumakay na sa kotse ni Mang Danny. Binati ko si Manong at agad niyang pinaandar ang kotse.

"Hala Manong saglit! Wala pa po yung mag-asawa!"- pigil ko kay Manong.

Ako pa lang kasi dito sa kotse pero dapat ay sabay sabay kami nina Mang Danny at Aling Sally pauwi. 

Tumawa si Manong at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Busy pa si Boss kaya babalikan ko na lang siya mamaya..."

"Sabi ko na nga ba! Siya po yung Santa Claus dun sa may exit kanina noh?!"

Natawa lang lalo si Manong na parang kinumpirma ang hinala ko. Langya!

Hindi ko napigilang itext si Mang Danny. Nakangisi ako.

Ho ho ho! Salamat po sa gift, Santa! He he he!

SENT! 

"Hija, sa inyo na ba kita ihahatid o dun kina Raven?"

 "Uhm kina Raven na lang po Manong. Salamat po..."

Nagpalit na naman ang buwan ay wala pa ding pagbabago sa set up namin ni Raven. 

Ganoon din kay Cente. Nagpapatigasan kami at walang nauunang magparamdam. 

"Cris, nandito na tayo..."

"Ay! Sige po Manong. Salamat po! Ingat kayo..."

Dali dali akong bumaba ng kotse. Langya di ko namalayan yun ah!

Agad kong natanaw ang isang lalaki sa may gate nila. Malamang ay si Mang Raffy yun na hinihintay ang pagdating ko.

"Magandang--"

Natigilan ako nung makita kong hindi pala si Mang Raffy ang nasa gate kundi si Raven mismo. Nagyoyosi siya at as usual ay halatang may pinagdadaanan sa buhay.

"Pwede ba? Hindi mo ba talaga ako titigilan?! Ano bang gusto mo, ako naman ang magpakamatay?"

Masama ang tingin niya sa akin at matalim ang kanyang boses. Nanginig ang tuhod ko pero tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Kung gusto mong tantanan kita, pwes ayusin mo yang sarili mo! Ayusin mo yang buhay mo!"

Humalakhak siya ng sarkastiko. Kinuyom ko ang palad ko. Shit ang tigas ng ulo ni Raven! 

"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Mommy ba kita, ha?! Eh IKAW nga ang dahilan kaya wala na akong nanay ngayon eh!"

Nag iwas ako ng tingin. Kahit pala paulit ulit niya na itong pinapamukha sa akin ay masakit pa din. 

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon