Maricris' POV
Tinanggal ko agad ang itim na sapatos kong medyo mataas ang takong pagkaupo ko sa grandstand. Hay salamat at nakaraos na sa isang defense!
Best paper yung sa amin at magtataka pa ba kayo kung bakit?! Siyempre, gawa ng Henyong ito yun! Wahahha!
Pumunta talaga ako dito para magpahangin dahil sobrang init nitong Business Attire ko! Tsk!
*RIIING
Sinagot ko ang tawag ni Biboy. Aba himala at may load ang bugok na to?!
"Balita boy?"- sagot ko
"CH! Pumunta ka dito ngayon sa Pambansang Warehouse! SHIT HOY WAG YAN!"
Kumunot ang noo ko, may operasyon ba?
"Tinatamad ako Biboy tsaka nandito pa ako sa SLU..."- sagot ko na lang at ibababa ko na sana kaso biglang sumigaw na naman si Biboy
"PUTA! WAG NIYONG HAHAWAKAN YANG SI MIKHAIL!!!"
Biglang naputol yung tawag pagtapos nun. SHIT?! Si Cente, nandun?!
Mabilis akong kumilos para pumunta sa Pambansang Warehouse, where riot happens....
Pambansang Warehouse
Pagpasok ko pa lang ay may sumalubong na kaagad sa akin na suntok pero naiwasan ko agad at mabilisang sinipa yung lalaki at bumulagta naman agad! Psh!
Nakapaa pa ako dahil ang hirap kaya kumilos pag nakasuot ng sapatos na may takong!
SHIT BAKIT BA ANG DAMING TAO DITO NGAYON?! NASAN SI BIBOY? SI CENTE?!
Pinagsusuntok ko na lang lahat ng humarang sa daan ko, tangna naman oh!
Maya maya ay nakita ko na yung tatlo na puro pasa na ang mukha! Napatingin ako sa isang sulok at nanlaki yung mata ko nung nakita dun si Cente! Nakatali siya sa upuan at walang malay! Mukhang hindi naman siya binugbog pero punit punit yung long sleeves na suot niya!
Tinahak ko agad yung direksyon kung nasaan si Cente pero napagkaisahan ako ng tatlong lalaki! Shit! Pilit nilang tinali yung dalawang kamay ko!
"SINO BA KAYO?! MGA BUGOK TULONG!!!!"- sigaw ko... Pinaupo nila ako sa tapat ni Cente at tinatali din ako sa upuan!!! SHIT SI RAVEN BA ANG MAY PAKANA NITO?! YUNG DEMONYANG NANAY NIYA?!
"HAHAHA! Wala na tulog na yung mga gago! Bulagta na!"- lalaki
At hayun at nakahandusay na nga yung tatlo sa isang tabi! Tangina!
"Ano bang kailangan ninyo?!"- nagbabanta kong tanong sa walanghiyang to
Ngumisi lang siya at sinenyasan yung lalaki na nakatayo sa tabi ni Cente.... Napamura ako nung sinampal niya si Cente para magising....
Nagising naman si Cente at kunot noo agad na nilibot yung paningin niya sa paligid...
"Kung kailangan ninyo ng pera, kunin ninyo na tong wallet ko sa bulsa ko! Pati na din yung sa kanya, madaming ATM card yan, mayaman yan!!"- sabi ko sa mga walanghiyang to
"Are you trying to tell them to steal from us? Tss!"- Cente na masama ang tingin sakin... Tayo ang magkakampi dito! PSH!
Pinanlakihan ko lang siya ng mata... EH ANONG GUSTO NIYA, PATAYIN KAMI NG MGA GAGONG TO?!