Chapter 48

99 3 1
                                    

Paris' POV (Third Person)

Unang araw ng Oktubre at pauwi na ang mga empleyado at Intern sa Alejandro Footware. 

Napapahinto sila bago pa man tuluyang makalabas ng building dahil sa snowman na nag aabang sa kanila at binibigyan sila ng regalo.

"Olaf is that you?!"- pang aalaska ng isang Intern sa snowman. 

Si Cris iyon.

Kumendeng kendeng lang ang snowman kaya natawa sila ng kasama na si Rose.

"Thank you sa gift! Sayang at wala na kami next month... Ba bye snowman!"- wika naman ni Rose

Ngumisi pa si Cris sa snowman bago sila tuluyang lumabas.

"Rose, kilala ko kamo kung sino yung snowman dun! Pati na din yung Santa Claus nung nakaraan..."

Nilingon ni Rose ang kasama.

"Talaga?! Sino?"

Ngumisi lalo si Cris. Nasa tapat na sila ng kotse ni Manong kaya kumaway na siya kay Rose.

"Secret! Wahaha! Sa last day natin ko sasabihin... Ingat!"

Bumelat pa siya kay Rose bago tuluyang sumakay sa kotse. Humahagikgik siya kaya napangiti si Manong.

"Hula ko Manong, busy pa si Mang Danny kaya mauuna na tayong umuwi..."- Cris

Natawa lang si Manong at tumango. Pinaandar na niya ang kotse.

"Henyo ko talaga! Wahaha!"- sambit ng babae.

Mabuti naman at masigla na ulit ang batang ito.

Sa isip isip ni Manong. Matamlay kasi ito noong nakaraan at parang may problema.

Jem's POV

It is 8PM already and I can hear the loud music inside the Tomas' Mansion. 

"Jerm couple!"

Napalingon kami. Nakita namin ang ngisi ni Cris at kasama din niya sina Tito Dan at Tita Sally. Mga naka business attire ang tatlo. Nagbeso kami ni Hon sa dalawa.

"Nagtext sa akin ang bunso ko... Nagstart na daw ang program... Let's go!"- Tito Dan

Debut ngayon ni Rhian and of course, Raven invited all of us here. Pumasok na kami sa malawak na garden nila Raven. Agad kaming pumuwesto sa isang bakanteng round table. 

True enough, mukhang nag start na nga dahil nasa mini stage ang 18 na mga babaeng may hawak na kandila. 

"Wow! Rhian is so pretty!"- sambit ni Tita Sally

"Of course! Magaling talaga pumili ang anak natin..."- Tito Dan

Nagtawanan kami. Nasa may harapan si Jay dahil siya ang escort ni Rhian. Ganoon din si MM dahil kasama siya sa 18 roses. Rhian is wearing a beautiful red gown tonight. May maliit pa siyang crown. 

"Pakipot din pala si Rhian eh! Kunwari pang ayaw kay Jay pero ginawa din namang escort!"- napapailing namang sabi ni Cris.

Nanood kami at panaka naka ding pumapalakpak. Maya maya ay sumulpot si Raven na nakabihis din.

Ang gwapo! Hihihi!

"Good evening po! Thank you at nakapunta kayo..."- bati niya sa amin.

We smiled at him. Si Cris naman ay hinatak siya at mukhang may ibinulong. 

"Okay! Wait lang po, magpapaserve na ako ng pagkain para sa inyo..."- paalam na sa amin ni Raven.

Napangisi naman si Cris at humawak pa sa tiyan niya.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon