Maricris’ POV
Nagising ako sa isang puting kwarto. Ospital to. Dali dali akong tumayo at lumabas. Nasaan si Cente?
“Ate! Ano okay ka na ba?”
Napalingon ako kay MM at nakitang may dala siyang pagkain.... Biglang kumulo ang tiyan ko... Langya pupuntahan ko muna si Cente!
“Saang room si Cente? Puntahan natin!”
“Nasa OR pa siya Ate... nandun silang lahat.. Tara!”
Mabilis kaming naglakad papunta dun... Napa sign of the cross ako sa sobrang kaba at pag-aalala.
“Ilang oras ba kong walang malay?”- tanong ko kay MM
“Isang oras Ate..”- sagot niya
Hindi maipinta ang itsura ng mga taong nag aabang sa labas ng OR... Di mapakali si Mang Danny sa paglalakad, nakaupo naman si Aling Sally, namumutla at nakasandal sa tulalang si Jay, magkakatabi sa upuan sina Jem, Jerwin at Nara na mga mugto ang mga mata at tahimik na nag-uusap at si Papa ay tahimik na nakatayo at nakasandal sa dingding, katabi niya si Raven na ganoon din ang posisyon.
Siguro kung normal ang sitwasyon ay pinicturan ko na sila at pinagtawanan, pero alam kong hindi din maipinta ang pagmumukha ko ngayon. Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato.
Kung sana hindi mo sinalo yung bala, hindi ganito ang itsura nila, namin CENTE!
“Mari!”
Lumingon silang lahat sa akin... Lumapit ako at agad akong niyakap ni Raven
“Thank God you’re okay!”- bulong niya
Kumalas ako at pinilit na ngumiti sa kanya... Nagmano ako kay Papa, Aling Sally at Mang Danny.
“K-kamusta na po si Cente? May pupunta po bang pulis?”- tanong ko kay Mang Danny
“Galing na sila kanina dito kaso wala ka ding malay kaya bukas ka na lang nila kukunan ng statement...”
Huminga ng malalim si Mang Danny
“Wala pang lumalabas na doctor mula nung pinasok siya dyan..”- hirap na hirap na sabi ni Mang Danny
Napayuko ako... “Sorry po, kasalanan ko to...”
“Ano ba ang nangyari Cris?”- sabat ni Aling Sally na naluluha at diretsong nakatingin sakin
Nilapitan ako ni Papa at inakbayan ako... Alam kong ramdam niya ang panghihina ko kaya umupo kami sa upuan na katapat ng inuupuan nilang lahat... Tinabihan din ako ni Raven