Chapter 30

143 9 2
                                    

Jem's POV

Summer na sa wakas!

As usual, may post birthday celebration si Espren sa resort nila sa Batangas but this time, mag overnight kami dun!

Oh yeahh!

Hindi din kami nakapag celebrate nung birthday niya mismo dahil super busy lahat dahil nga finals na.

Oh well!

"CH! Pahingi naman ng sandwich!"- Bok

Nilingon ko sina Cris at bugoks na nakapwesto sa pinakalikod nitong van. Yep, kasama din yung tatlo!

Nagbelat lang si Cris sa kanya tapos sinubo na ng buo yung sandwich. Eeeww!

Sumimangot si Bok at natawa lang yung dalawa pang mga bugok.

Nasa harapan si Espren katabi ng driver tapos kami nina Hon at Ate Chin sa unang row then sa likod namin sina Nara, MM at Jay.

Nasa kabilang van ang mga parents namin at mga kasambahay nila Espren na uuwi din daw mamayang gabi.

Ang dami namin diba? Hahaha.

"YES! THANK YOU LORD!"- biglang hiyaw ni Hon kaya nahampas siya ni Ate dahil sa gulat. Lol!

"Hahaha! Sorry Ate! Nagtext kasi sakin yung radio station at pinapabalik nila ako dun next week for second round ng audition for DJ!!"- tuwang tuwang announcement niya sa lahat.

"CHAMBA JER!!!"- kantiyaw agad ni Cris kaya nagtawanan lahat... Hay naku!

"Asa naman! Magaling talaga ako Jam noh! Tanggapin mo na lang!"- sagot naman ni Hon

"Edi ikaw na! Manglibre ka na lang para matuwa naman kami!"- kahit kelan ka talaga Cris! Tsk!

"Tama! LIBRE! LIBRE! LIBRE!"- Budong

At ayun nag chant na nga silang apat kaya sinamaan na sila ng tingin ni Nara pero dedma lang sila at nilakasan pa nila lalo ang kanilang boses! Kaloka talaga pag magkakasama sila!

"OO NA! Manong pakitabi nga po muna dyan, bibili lang po ako ng ice cream..."- sabi ni Hon sa driver kaya napahiyaw yung apat.

Kahit si Espren, di pumapalag sa ingay nila eh! Hahaha!

Nilibre nga kaming lahat ni Hon ng ice cream, yung nasa apa at tig sampung piso kaya medyo tahimik na nung umandar ulit ang van.

Malapit na din pala kami sa resort at grabe, wala palang nakatulog sa amin buong byahe dahil sa ingay nung mga bugoks at Cris!

Kaloka!

============

Nauna sa aming makarating sa resort yung isang van. Nagbaba na kami agad ng mga gamit habang naghahanda na ng mga pagkain sa kusina yung mga oldies at kasambahay.

Amaze na amaze naman yung mga bugoks pagbaba pa lang kanina sa van. Nagtataka pa sila kung bakit kami lang ang tao dito. Hahaha!

"Sina Kuya Mikhail po kasi ang may-ari nito at private resort ito..."- sagot sa kanila ni MM

Alas nuwebe palang ng umaga pero mainit na kaya nandito kaming lahat sa sala ng resthouse para magpahinga.

"Oh mga bagets! Mamasyal muna kayo sa labas habang nagluluto kami ng lunch, tutal ay ayaw ninyo pa namang mag swimming..."- biglang sulpot ni Tito Dan

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon