Chapter 28

164 7 5
                                    

Maricris' POV

"Nak saan na si Mikhail? Sabi niya dadalaw din siya dito ngayon sa Mama mo eh.."

"Wala po, nakipag date nalason ng chocolate.."

Binatukan ako ni MM.... Nakng teteng!

"Mama oh, si MM! Multuhin ninyo nga po to!"

Binelatan lang niya ako sabay sabing...

"Sus bad mood ka lang kasi wala pa si Kuya Mikhail eh..."

Hinampas ko na lang yung bulaklak sa kanya bago ilapag sa puntod ni Mama... Henyo eh!

"Oh nagsisimula na naman kayo! Talaga naman!"- Papa

"Epal po kasi ni MM..."

"Ewan ko sayo Ate! Pa, nga po pala... May lakad ako mamayang gabi..."

"Saan-- "

"NAKU PA! WAG NYO PONG PAPAYAGAN YANG SI MM! BAKA MAGKAAPO KAYO NG MAAGA!!!"

- putol ko kay Papa... Wahahha!

"ATE! NAPAKA MO TALAGA!!"- MM na namumula naman ang mukha... EWW!

"Aba eh gusto ko na nga ng apo! Lalaki dapat bunso ah!"- pakikisakay ni Papa

"PA NAMAN!"- hiyaw ni MM kaya nagtawanan kami ni Papa... Lol!

"Kunwari ka pa MM! Hoy joke lang yun! Kilabutan ka nga!"

"Kayo nga dyan eh! Tsk! Kakain lang po kami sa labas ni Nara mamaya, Pa.."

Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni Papa...

"Oh may pera ka ba anak? Chocolate at bulaklak na ibibigay? Aba sosyal iyang nagugustuhan mo nak..."

"PANIS! Baka kung saan mo lang pakainin si Nara ha, mamilk tea-zoned pa kayo!"

"Loko ka talaga Ate! Syempre sa maayos na kainan kami pupunta... Ts! Tsaka mabait si Nara, di tulad mo noh..."

"Edi sya na perfect! Henyo naman ako! Bleh!"

"Jusko Ate paano ka kaya napagtitiyagaan ni Kuya Mikhail?"

"Oo nga anak.. Ano bang sikreto mo?"- Papa

Teka, mukha ako na ang pinagkakaisahan ah?!

Sasagot na sana ako nung biglang may nagtakip ng bibig ko galing sa likod at may humalik sa sentido ko... Loko to ah!

"Yang boses mo rinig na sa entrance pa lang nitong memorial... Tsk!"

"Hay dumating din ang inaantay kanina pa! Tinanghali ka na Kuya, ah!"

Nagmano lang si Cente kay Papa sabay lapag ng isang plastic at bulaklak kay Mama tapos tumabi na sakin... Hinampas ko siya agad...

"Late na nga, epal pa! At malamang bungad lang tong puntod kaya rinig agad boses NAMIN! Sus!"- singhal ko sa kanya.... Tagal tagal eh, pa VIP ampotek!

Dedma lang siya at tahimik na nilabas yung nasa plastic at WHOAAAA!

Malaking tupperware na may lamang carbonara!!!!

"Naku, nag abala ka pa! May dala din naman kaming baon!"- Papa

"Wow! Ayos, gutom na din ako!"- MM saka ipinamigay sa amin yung dala naming plato at tinidor

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon