Chapter 15

176 5 2
                                    

Maricris’ POV

Nagulantang ang mukha ng apat nung bigla na lang kaming pumasok dito sa kwarto ni Raven.. Tss!

WOW! ANO WILLING BA KAYONG MAG ENTERTAIN NG UNEXPECTED VISITORS SA DOUBLE DATE NINYO DITO?! TANGNA!

Bumitaw ako kay Cente at tinitigan ng nakakamatay si Raven...Namumutla siyang tumayo at humarap kina Jem at Jer

“Maraming salamat sa inyong dalawa ha... Ako na ang bahala dito.. Umuwi na kayo..”

Salamat dahil tinulungan ka nilang pagtakpan? Powcha!

Nasa mukha ni Jem ang pagtutol pero hinila na sya ni Jer na ngumiti lang ng tipid kay Raven...

“Wala yun pre! Sige goodluck...”

Kay Raven pa din ako nakatingin nang dumaan sa tabi ko yung dalawa palabas dito...

“Jam, makinig ka lang kay Raven, wala naman siyang dahilan para magsinungaling sayo eh.. sige..”- bulong sakin ni Jer saka sila tuluyang lumabas

Gusto kong matawa... Di pa ba pagsisinungaling ang pinaggagawa ni Raven sakin ilang araw na?

“Umupo muna kayo...”- utos ni Raven

Hindi ako kumilos at nairita ako nung hinila ako ni Cente at umupo sa sofa na katapat nung pinag uupuan na sofa din nina Raven at nung fiancee niya “DATI”... Pasalamat sya may lamesa na nakapagitan samin kundi nasuntok ko na talaga si gago!

Huminga ng malalim si Raven at tumingin sakin...

“Nabuntis ko si Mandy..”- seryosong sabi nito kaya agad akong napatayo at hinawakan ang kwelyo ng polo uniform niya... Inawat agad ako ni Cente

“RAVEN!”- gulantang na sigaw nung fiancee nya na Mandy pala ang pangalan.. SUS!

Lalo akong nanggigil nung tumawa ng malakas si Raven at ngumisi

“JOKE! BIRO LANG! Pare pakihawakan ng husto si Mari at ayoko pang mamatay!”

Ginawa naman yun ni Cente... Gagong Raven!

“Shut the fuck up and just explain to her!!”

Sumeryoso si Raven dahil sa sinabi ni Cente... Pati ako natigilan at napatingin sa kanya... Nakakatakot yung mata eh bumubuga ng apoy!

“Sorry Mari kung tinago ko pa sayo to pero pakiusap wag na wag kang makikipaghiwalay sakin pagtapos kong ipaliwanag ang lahat...”

Sinamaan ko siya ng tingin

“Please Mari..”

“Depende pa, magsalita ka na..”- madiin kong sabi

Tumikhim si Raven...

“Una, wag kang magalit kina Jem at Jerwin dahil tinulungan lang naman nila ako... Pinalayas na kasi ako ni Mommy sa bahay...”

Kumunot ang noo ko

“Tutol pa din sila, Mari... Alam nila na tayo ulit kaya nag away na naman kami at nauwi nga yun sa pagpapalayas sakin, sabi niya hindi ako pwedeng bumalik dun hangga’t hindi ako nakikipaghiwalay sayo... Hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa relatives ko kaya kay Jerwin ako lumapit at sakto ngang may bakante pang kwarto dito sa apartment ng pamilya ni Jem kaya nakakahiya man ay tinanggap ko na ang alok niyang dito muna ako tumira ng libre.. Nagtatrabaho ako sa Petron tuwing gabi para may pera akong pantustos sa mga gastusin ko...”

Wala akong masabi! Naiinis ako! Natatangahan ako kay Raven! Shit baliw na siya!

“Ako ang dahilan pero hindi mo sinabi sakin? Bakit Raven, ha?!”

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon