Maricris' POV
Isang linggo na ang nakalipas mula nung nag-usap kami ni Raven.
Tambak pa noon ang trabaho sa opisina kaya wala na akong oras para isipin pa ulit ang sitwasyon.
Ngayon ay medyo magaan na ang trabaho kaya may mga oras na nag-iisip na naman ako.
Ang hirap kasing timbangin eh. Napatawad ko na naman ang Mommy ni Raven sa ginawa niya pero kailangan pa din niyang managot.
Dahil dun ay hindi na din muna ako nagpakita ulit kay Raven at sa pamilya niya.
Gusto daw akong makausap ni Raven pati nung Daddy niya pero hindi ako pumapayag. Dinadahilan ko na lang na busy ako.
Nag sigh ako.
"Oh Cris, ang lalim nun ah! May problema ka ba?"- usisa sakin ni Rose habang nag-aayos kami.
Uwian na kasi.
"Ha? Wala ah! Sige mauna na ako ha. Ingat ka!"- paalam ko na.
"Okay! Bukas na lang!"- kaway niya.
Paglabas ng building ay nakaabang na yung kotse ni Mang Danny.
Luminga linga muna ako at nung nasiguradong walang empleyado sa paligid ay nag ninja moves na akong sumakay sa backseat.
"Hello Cris!"- bati sakin ni Mang Danny sa tabi ko.
Nagmano ako sa kanya at bumati din.
"Hi po! Ang hyper ninyo pa din Mang Danny ah!"
Natawa yung family driver nila.
"Aba syempre! Pay day ko yata ngayon noh!"- tuwang tuwang sabi niya
Natawa ako. Parang hindi siya yung may-ari kung umasta eh! Kaloka.
"Nga po pala... Kamusta na daw po yung Mommy ni Raven?"- usisa ko.
Bukod kay Biboy ay sa kanya ako nakikibalita. Naka hospital arrest si Raquel at kapag okay na ang kalusugan niya ay saka siya ililipat sa kulungan.
"Balak ko ngang dumaan ngayon doon, Hija. Sumama ka na..."- sagot niya
Tumango tango lang ako. Sasama ako pero hindi pa din ako magpapakita kay Raquel. Baka lalo lang lumala ang lagay niya kapag nakita ako.
Pagdating namin sa ospital ay nagpaiwan lang ako sa labas ng room nung Mommy ni Raven. Maya maya ay lumabas si Raven kasama si Rhian.
"Rhian, ikaw na lang muna ang bumili ng dinner natin..."- ani Raven sa kanya.
Inirapan lang ako ni Rhian at umalis na. Napailing na lang ako.
"Kamusta?"- bati ko nung tinabihan ako ni Raven.
"Eto, medyo okay na kahit paano dahil nandito na si Daddy..."- sagot niya
Nakahinga naman ako ng maluwag doon.
"Nasaan pala siya?"- usisa ko
"Nasa city eh. May inaasikaso lang. Mamaya pa ang balik niya...."
Tumango tango lang ako.
"Ang mommy mo, kamusta ang lagay niya?"- alangang tanong ko.
Sa gilid ng mata ko'y nakita ko siyang bahagyang lumingon sa akin at medyo ngumiti.
"Sabi ng doktor ay umaayos na ang lagay niya. Siguro ay after two weeks, pwede na siyang makalabas..."
Tumikhim ako at lumingon sa kanya.
"Raven, hindi ko pwedeng iurong ang kaso..."
Tumingin siya pabalik sa akin.
"Alam kong weird ito pero mas bumilis ang recovery ni Mommy simula nung nagka-usap sila ni Tito Dan. Magaan ang loob niya kay Tito pati na din kay Tita Sally. Tito Dan is considering my request, Mari... Please, pumayag ka na... I swear hindi kakayanin ni Mommy ang buhay sa kulungan..."