Maricris' POV
Nahiga ako ulit sa kama dahil hihilo hilo pa ako at sobrang sakit din ng ulo ko. Si Cente naman ay nililigpit ang kalat ko sa lamesa. Nagsuka kasi ako kaninang madaling araw at hindi na ako nakaabot pa sa CR dahil sa kalasingan.
"Bangon! Kumain ka muna..."- malamig niyang utos sa akin
Walang salita ko na lang siyang sinunod. Humigop agad ako ng mainit na sabaw.
Ahhh! Ang sarap!
"Pampatanggal hangover yan... Tsk!"
Nilingon ko siya. Kunot noo na naman siyang nakatingin sa akin.
"Wala ka bang tulog?"- tanong ko
Namumungay kasi ang mga mata niya.
He glared at me.
"Sinong matinong taong nagmamahal ang makakatulog matapos malaman na hindi siya mabibigyan ng anak ng taong mahal niya?"- dire diretsong sabi niya
"Whoa! Uso huminga, Cente!"- biro ko na lang kahit medyo nasaktan ako sa sinabi niya
Umirap lang siya at sumalo na sa akin. Heavy breakfast ang dala niya at sigurado akong luto niya to.
"How did you know that I am here?"- tanong ko
"Before the proposal, my gut feel is telling me that you will say no so hinanda ko na ang taong susundan ka oras na mag walk out ka..."
Napailing ako.
"Kung ganun pala, eh bakit sumige ka pa din? You should have just followed your gut feel... Tingnan mo nga at tama iyon..."
"I always take risk when it comes to you, Tomboy... Tss!"
Sumimangot ako.
"Risk my ass! You're the VP for Expansion and Development sa AF so risk is in the nature of your job kaya wag mo na akong binobola..."
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Hah!
Ako pa din ang Henyo.
Matapos kumain ay sumiksik siya sa akin ng husto.
"Tell me everything..."- seryosong wika niya
I sighed at tutal ay nagkaalaman na ay kinuwento ko na din sa kanya lahat lahat. Mabuti na lang at naubos na yata ang luha ko kaya normal akong nakapagkwento sa kanya.
Matapos kong magsalita ay panay ang iling niya.
"Papasa ka ng martyr, Tomboy... Saan mo gustong maitayo ang rebulto mo kapag namatay ka?"- walang kwentang sabi niya matapos ang lahat ng kwento ko
Binatukan ko siya at inirapan.
"Ngayong alam mo na lahat, siguro naman ay pwede ka ng maghanap ng iba diba? I don't want to be unfair to you... Alam ko kung gaano kasidhi ang kagustuhan mong magkaroon ng mga anak, Cente at hinding hindi ko ipagkakait sayo yun..."
Tinitigan niya ako ng matagal saka siya nag sigh.
"Why you of all people? Sige, bakit ikaw pa sa inyong tatlo? Tsk! I guess karma na sa akin ito ni Lord sa pagtaboy ko sa mga babae noon! Hindi na nga malambing at maganda, may diperensya pa ang matris---"
Hindi ko na pinatapos ang mga insulto niya sa akin dahil sinabunutan ko na siya.
"Walanghiya ka?! Kasalanan ko pa kung bakit patay na patay ka sa aking hayop ka ha?! Tangina nito!"- gigil na sabunot ko sa kanya