Chapter 8: Maybe
Maricris’ POV
Kung si Janet “Matigas ang Mukha Ko” Napoles ay “Hindi ko alam” ang bukambibig…. Ang tropa naman ay ganito:
“Busy ako eh!”
Tsktsk… Malayo layo pa naman ang prelims, ako nga bandying pa din eh!
Sila na busy! Ako na henyo! Bwahahhaha
First time to ngayong school year na mag isa akong kakain ng lunch… Busy nga daw kasi sila… Sus!
Nakapila na ko para bumili ng pagkain nang nag vibate yung cellphone ko…
From: Cente
Kunin mo yung luncbox mo kay Ate Cha… Eat well!
Napangisi ako dun… yes di ako gagastos! Bwahaha!
Lumipat ako ng pila.. Si Ate Cha kasi ay tindera ng mga merienda dito…
Nagpasalamat ako kay Ate Cha at umupo na sa Table8… Nireplyan ko si Cente…
Salamat Cente! Kain tayo!
Kumain na ko at hindi na din nag reply si Cente… Bihira din namang magtext yun, pag importante lang talaga…
===================
Nakauwi na ko at lahat lahat ay hindi nagparamdam sakin ang tropa…. Late pa nga sila kanina sa subject kung saan classmates kami.. Nginitian lang nila ko dun at bigla ding nawala matapos ang klase…
Tsk! Kahit si Raven hindi din ako naihatid pauwi… Nakng wiweirdo ng mga yun!
Lumabas ako ng bahay.. wala lang HAHAHA! Hindi pa nakakauwi ng bahay si MM eh at wala pa din yung kotse ni Jer sa tapat ng bahay nila…
Malakas ang kutob kong magkakasama ang mga yun! +____+
“JAM!”
“Ayy naka ng nanay mo! Hoy Janelle bigla kang sumusulpot!”
Langya! Nagulat ako dun ah!
Di niya ko pinansin at bigla lang niya kong hinila papasok sa bahay namin… Himala yata hindi to nakadikit kay Jer?
“Jam tulungan mo naman ako…”
“Problema mo? Umiyak ka ba?”- tanong ko… namamaga kasi mata niya parang kinagat ng ipis! Hahaha
“Halata pala… Haaay! Eh kasi naman galit sakin si Jewin, ayaw akong pansinin!”
“Bakit world war 3 na naman ba sila ni Jem? Tsktsk..”
“Pano mo nalaman?”
“Malamang henyo ako! Tsk!”
Lumungkot yung mukha niya… LUH?!
“Dapat yata hindi nako bumalik dito eh… panggulo lang ako sa inyo..”
Potek napakadrama talaga ng taong to! Ayoko ng mga ganitong eksena kaya tumayo muna ako para buksan ang radio… masyado kasing tahimik!
Link sa right side :P
“There I was
Waiting for a chance
Hoping that you’ll understand
The things I wanna say”
“Jam naman! Nang aasar ka ba?!”- sigaw ni Janelle at parang paiyak na… Nakng di pa nga ako nagsasalita eh!
![](https://img.wattpad.com/cover/8716200-288-k685764.jpg)