Chapter 3

257 5 1
                                    

Chapter 3: Para sa Akin

Maricris’ POV

“…….”

 

MM’s POV

Nagkatinginan na lang kami ni Papa nung tahimik na sumandok ulit ng kanin si Ate… Grabe pang-apat na niya yan!

Likas ng matakaw si Ate, oo pero pinaka madami na niya yung tatlong round tuwing normal na kainan, pero ngayon pati nung mga nakaraang araw? Grabe!

Sobrang lakas niya kumain lalo na pag nandito sa bahay at pag-aaral pati pagbabasa lang ng libro ang ginagawa niya magmula nung pasukan!

“Cris gabi, tama na yan baka bangungutin ka na niyan..”- saway ni Papa nung nagtangka si Ate na ubusin yung kanin sa kaldero…

Uminom lang ng tubig si Ate at tumayo na at umalis ng kusina… Tumayo na din kami ni Papa at nagligpit, kanina pa kami tapos kumain eh!

(AN: May link ho sa right side... Video siya... isipin ninyo na lang lalaki ang boses at maganda siyempre.. LOL!)

“Kung ika’y magiging akin

di ka na muling luluha pa

pangakong di ka lolokohin

ng puso kong nagmamahal”

 

Aba mukhang may nanghaharana pa ah! Saan kaya yun??

“kung ako ay papalarin

na ako’y iyong mahal na rin

pangakong ikaw lang ang iibigin

magpakaylanman”

 

Nagkatinginan na naman kami ni Papa, lumabas kami at nandun nga si Ate sa terrace… hawak hawak yung cellphone niya at WHOA!!!

Nginitian ako ni Jay na taga-palakpak… Tapos si Kuya Mikhail naggigitara at kinakantahan si Ate…

In short, nanghaharana kay Ate! At eto namang si Ate walang reaksyong pinapanood si Kuya Mikhail! Tsk ang weirdo lang eh!

“Di kita pipilitin

sundin mo ang iyong damdamin

hayaan na lang tumibok ang puso mo

para sa akin…”

Medyo  nag sway ng katawan si Kuya Mikhail nung chorus na at medyo naksmile kay Ate, titig na titig eh at namumula yung tenga! Si Ate naman nakatitig din pero serious face… Nakng! Mas mukha pa yata kong kinikilig dito eh! Bading amp!

“Kung ako ay mamalasin

at mayroon ka ng ibang mahal

ngunit patuloy ang aking pag-ibig

magpakailanman…”

 

Nahuli kong ngumiti ng konti si Ate… Takte marunong din pala magpa-cute tong si Kuya Mikhail! Medyo nag sad face kasi siya dun sa unang line... Nakngtokwa! Natatawa na lang kami ni Papa…

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon