Maricris' POV
"Oh dalawa pa, dalawa pa! Aalis na! Aalis na!"
Natawa ako nung nilipat ni Nara ang masamang tingin niya sa akin sa barker na inosenteng nagtatawag pa ng pasahero kahit para na kaming sardinas na siksikan dito sa loob ng jeep.
Papunta kami ngayon sa bahay nila Jer dahil magpapalamon daw kasi graduate na kahapon. Wahaha!
Dahil malapit lang naman at wala pa yung mga kotse nila sa SLU, pinilit ko na lang sila na mag commute tutal ay malapit lang naman. Pinapaayos pa yung motor ni Cente at hiniram daw yung kotse ni Jer kaya...
Heto kami ngayon, siksikan! Hahaha. Napapagitnaan ako nina Jay at Cente na halatang mga hindi komportable sa siksikan tapos katapat naman namin sina Nara at MM na magkatabi din.
Yung Jerm couple eh nasa harapan nakaupo kaya inis na inis si Nara dahil gusto daw niya dun kaso naunahan sila. Lol!
Matapos mapuno lalo ang dyip ay umandar na din ito sa wakas! Panay pa ang paypay ni MM kay Nara samantalang punas nang punas ng pawis yung dalawang katabi ko. Hahaha chura nila eh!
May sumakay na pulubi at pinatong sa mga hita namin ang isang sobre.
Palimos po, pang-kain lang po! Thanks!
Kaloka! Mas maganda pa ang sulat-kamay sa sobre kesa sa sulat ko! Hahaha!
Diring-diri naman si Nara na nakatingin sa pulubi. Pinigilan kong matawa. Langya!
Mas naloka ang lahat nung umupo siya sa may gitna ng dyip at nagsimulang kumanta.
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento
Wow ang galing niya! Marahang pumalakpak yung ibang pasahero habang kumakanta siya at hindi ko napigilang dugtungan yung kanta.
Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi
Naglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala
Nakangiting nanonood sakin yung pulubi at sinabayan na ako sa kasunod na lyrics.
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), ooohh oh oh
At nag duet na talaga kami sa chorus! Wahaha!
