Chapter 21

143 7 1
                                    

Maricris’ POV

 

“Aba kumpleto tayo?!”- boses agad ni Jem ang narinig ko pagpasok sa kwarto ni Cente

Pangalawang araw na simula nung tanggalin ang bala sa dibdib niya... Okay na naman daw siya sabi ng doctor pero para makasigurado ay kailangan munang hintayin na magising siya para sa follow up check ups sa kanya

“Oo! Nandito na si CH eh!!! Tara kain tayo!”- hiyaw ni Bok at dinumog ako ng mga bugoks...

Kumpleto? Wala si Raven.

 

Nginisian ko na lang sila tsaka humikab. Aba ang daming pagkain ah! Nandito din ang mga kasambahay sa mansiyon para bumisita. Parang birthday party lang ang meron dahil lahat ay kumakain at masayang nag-iingay, kahit sina Papa, Mang Danny at Aling Sally ay ganun din.

Tahimik na lang akong kumuha ng carbonara at kinain yun sa isang sulok. Maluwag ang kwarto na to pero medyo siksikan na din dahil ang dami namin dito.

Nakatingin ako kay Cente habang kumakain.

Mas masarap yung luto mo. Gumising ka na nga diyan at ipagluto mo kami!

 

Tuwing nandito ako ay lagi ko siyang kinakausap sa utak ko. Henyo eh.  Telepathy ba. Hahaha. Napahikab na naman ako. Langya dalawang araw na kong bangag! Hindi ako makatulog eh, peste kasing Cente to ang tagal magising! Taragis.

Tinabihan ako ni Jerwin at inakbayan ako.

“Laki ng eyebags mo Jam!! Patulugin mo na yan!”

Nginuso ko si Cente.

“Gisingin mo muna yang walanghiyang yan nang makatulog na ko!”

Tumawa siya. Ang ingay talaga! Akala mo wala kami sa ospital eh!

“Halikan mo kaya para magising?! Malay mo hinihintay lang ni Mikhail ang matamis na halik ng kanyang prinsesa...”- matapos iyon ay parang tanga pa siyang pumikit at ngumuso at kunwaring may hinalikan

Binatukan ko siya.

“Jem oh! Sabi ni Jerwin, gusto ka daw niya i french kiss!!!”- hiyaw ko... Bwahahah!

Nakita kong namutla si Jerwin at nanigas ang braso niyang nakaakbay pa din sakin... Akala mo ha! Wahaha

“Later, Hon! Ayoko ng audience, lalo na kung si Cris!”- sagot naman ni Jem kaya kinilabutan ako at nagtawanan silang lahat. Teka, teka?! Bati na ba ang dalawang to?!

“Grabe ka Jem! Hindi na nahiya, lahat ng henerasyon nandito oh! Bata, teenager, matanda, henyo at bagong opera!”- nanlalaki ang mata kong sabi sa kanya

Tatawa tawa lang silang lahat na nanonood samin

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon