Chapter 53

142 5 1
                                    

PILIPINAS

Maricris' POV

Sinuot ko ang sunglasses ko at nilanghap ang hanging kontaminado ng polusyon.

The genius is back!

Si Carlo lang ang nakakaalam na uuwi ako ngayon dahil pabalik na sana siya sa US pero pinigilan ko siya. 

Naisipan kong pagtripan sana siya kaso sayang ang gastos sa pamasahe niya papunta doon. Tapos babalik din siya dito ulit kapag nalamang nandito na ako.

Wagna uy!

Hinila ko ang balot na balot kong maleta. Carlo warned me about laglag bala something dito sa airport kaya secured ng bongga ang bagahe ko.

Nakaabang na ang Ford Everest sa labas at matapos maisakay ang mga bagahe ko ay pumasok na ako sa passenger seat. 

I was shocked noong nakitang si Cente ang driver. What the?! Nasaan si Manong?!

At akala ko ba nasa Japan na to ulit ngayon? 

Napamura ako sa utak ko. That CC couple! Pinagkaisahan nila ako! 

Lagot sila sa akin!

"Welcome back, Ms. Medel!"

He grinned. 

I smirked. It's been what? Three months? Mula noong huli naming pagkikita? 

Paminsan minsan ay sumusulpot na lang sila bigla ni Carla sa office namin ni Carlo sa US kaya hindi lumilipas ang taon ng hindi kami nagkikita. 

"Why, thank you Mr. Alejandro! Day off ba ni Manong at ikaw pa ang sumundo sa akin dito?"- sakay ko na lang.

Damn! Sana ay walang traffic dahil nahihirapan akong huminga! Ngayon na lang kami ulit nagkalapit ng ganito!

"Nah! I'm not busy so I decided to let Manong go home early by picking you up here, Ms. Medel..."

Kumindat pa siya sa akin matapos sabihin iyon. Fuck! Mukhang good mood pa siya ngayon ah?!

Umiwas lang ako ng tingin. Gusto kong bumaba saglit para magyosi pero alam kong hindi siya papayag. 

That will also mean defeat on my part. No way! Hindi ako papatalo sa kanya!

"Oh, ang bait mo naman pala kung ganun!"- umiismid na tugon ko

Lalo pa siyang ngumisi. Traffic pa kaya binuksan niya ang stereo.

 "Kung ika'y magiging akin
Di ka na muling luluha pa
Pangakong di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahal..." 

Nanlaki ang mata ko at agad na tumingin sa bintana. Palingon na kasi siya sa akin pero ayokong magkatinginan kami! 

Putangina! Nananadya ba to?! 

Kulang na lang ay magwala ako noong sinabayan pa niya ang kanta. Fuck! Napapikit ako ng mariin!

His voice! Lalong gumanda iyon! Shit!

Pumikit na lang ako at sumandal. Magkukunwari na lang akong tulog buong byahe!

This.Is.Plain.Torture!!! Argh!

Patay ka talaga sa akin Carlo! Makikita mo!

=================

Panay pa din ang yakap sa akin ni Papa kahit pa nga ilang oras na din ang nakakalipas mula noong dumating ako dito sa bahay. 

"Pa! Magluto ka na, nagugutom na po ako! Sige ka, babalik ako agad sa US!"- awat ko sa kanya.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon