Chapter 17

144 6 1
                                        

Hi sayo @suzyssi! Grabe ngayon ko lang nabasa ang comment mo sa last chap! Thank you sa pagbabasa! At hindi pa pows tapos ang story na ito, mabagal lang talaga ang update dahil busy sa school! Hihi.. Again, salamat!

Pati sayo na magbabasa nito, salamat and enjoy! ;D

Maricris’ POV

 

“MARI! TANGGAP NA TAYO NI MOMMY! PINAUWI NA NIYA KO KAHAPON AT SABI NIYA BAHALA NA DAW AKO SA LOVELIFE KO! WHOOO!”

Imbes mapangisi ay napangiwi na lang ako sa higpit ng yakap sakin ni Ven... Di ako makahinga!

“Papatayin mo ko sa yakap mo o papatayin kita pag di ka pa kumalas?”

Agad naman siyang humiwalay sakin... At ngiting ngiting tumingin sakin..

“Tara sama ka sakin mamaya sa bahay! Mag dinner tayo kasama sila!”

Ngumisi na ko nang tuluyan dahil sa sinabi niya... Ang saya sana nun dahil may pagkakataon na naman akong asarin yung nanay niya.. BWAHAHAH.. Kaso lang...

“Next time na lang... Ngayon yung bisita namin ni Cente sa ***** Orphanage... Alam mo naman na henyo ako kaya siguradong namiss na ko ng mga bata at feeling bata dun.. Bwahah!

Tama may next time pa sa pang aasar Cris, sa ngayon kamusta na kaya yung mga walangyang kabataan sa orphanage na yun? Hahahah

“Ah oo nga pala! Hindi ba talaga ko pwedeng sumama? Gusto ko din silang makilala!”

“Pwede naman siguro—“

“Hindi pwede... Mabu-bully ka lang don... Tara na Tomboy!”- biglang sulpot ni Cente

“Oo na! Ge gora na kami! Pakibigay na lang yung excuse letter namin sa mga Prof natin ah! Babye!”- paalam ko kay Ven saka sumakay sa kotse ni Cente

Pinaandar na ni Cente yung kotse, nilingon ko yung backseat, tingnan ko lang kung ano ang pagkain namin mamaya, bwahahah! Kaso walang laman!

“Hoy Cente hindi ka man lang nagdala ng mga pagkain para sa mga bata?”

Naks! Langya nakakagutom kaya makipagharutan este makipagbonding sa mga yun!

Sinulyapan niya lang ako at tumingin ulit sa kalsada...

“Ipagluluto natin sila... Daan muna tayo sa supermarket na malapit dun..”

“Ahhh ganun pala... HA ANONG NATIN?!”- gulantang na tanong ko... May galit ba si Cente sa ampunan at balak niyang sunugin sa pamamagitan ng pagluluto ko?! Takteng yan!

Medyo natawa siya...

“Kailangan mo nang matutong magluto... Nang may pakinabang ka naman pag mag asawa na tayo...”

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon