Special Chapter 5.1

168 4 0
                                    

AFTER 5 YEARS

Jem's POV

"Mommy si Kuya Jelo po kinukuha yung laruan ko!"

"Hala hindi kaya! Wag po kayong maniwala dyan kay Jenice, Mommy!"

Lumingon ako sa pangalawa at bunso kong anak at kulang na lang ay magbuga ako ng apoy nung nakita ang hitsura nila.

"Saan kayo nagpupunta at ang dudungis ninyo?! Nakuuu nasaan na ba ang magaling ninyong ama?!"

Pinatay ko muna ang kalan para asikasuhin itong dalawang pasaway. Saan na ba si Hon?! Day off kasi ngayon ng mga yaya nila pati ng mga kasambahay namin kaya aligaga ako dito ngayon sa bahay!

Gigil kong pinunasan ang mukha at katawan nila. Mapaliguan na nga ang mga ito!

"Nasa park po sina Daddy at Kuya Jeremy, Myy! Nagbabike po sila doon at naghahanap ng chix!"- Jelo

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Humagikgik naman si Jenice.

"BAKA GUSTO MONG MATAMPAL ANG BIBIG MO HA, JELO?! Saan mo natututunan yang mga chix chix na yan ha?!"

Ngumuso siya.

"Eh ayun po ang sinabi ni Daddy eh! Tsk!"

"Aba't?! Yang tatay ninyo talaga na yan!"

Binitawan ko na si Jelo at binalingan naman ang bunso naming babae.

"Lagot ka Kuya Je! Binuking mo na naman si Daddy!"- pananakot ni Jenice sa Kuya niya

Napakamot lang ng ulo si Jelo kaya binelatan ito nitong bunso ko.

"Baby girl, wag mo nang asarin ang Kuya mo at mag aaway na naman kayo mamaya niyan eh... Hala sige! Punta doon sa banyo at paliliguan ko na kayo!"

Nagtatakbuhan naman silang sumunod. I sighed. Ang bilis talaga ng panahon! Parang kailan lang ay palagi kaming puyat ni Hon dahil sunod sunod nga silang tatlo pero ngayon ay heto, malalaki na sila! Si Jeremy ay walong taon na, pito naman si Jelo at anim na taon ang baby girl namin.

Nagpatali na nga ako dahil hanggang tatlo lang talaga kami ni Hon pero malakas ang kutob ko na masusundan pa si Jenice dahil delayed ako ngayon. Kung sakaling ganun nga ay magpapa ligate na talaga ako!

Pinaliguan ko na ang dalawang chikitings at dahil pawis na pawis ako habang ginagawa yun ay sumabay na din ako sa kanila sa pagligo. Binihisan ko sila sa kwarto nila at binuksan ang TV doon.

"Dyan na lang kayo ha! Wag na kayong maglilikot at kakain na tayo maya maya!"- bilin ko sa kanila

"Opo, Mommy!"

Humalik pa sila sa pisngi ko at lumabas na nga ako ng kwarto dahil tatapusin ko pa ang pagluluto ko. Naabutan ko si Jeremy na umiinom ng tubig at pawis na pawis din.

"Hi Mommy!"- bati niya sa akin at akmang yayakap pero umiwas ako

"Kaliligo ko lang, anak! Naku magpahinga ka muna saglit tapos ay maligo ka na din! Nasa kwarto ninyo ang mga kapatid mo!"

Tumango naman siya at humalik din sa pisngi ko. Iniwan na din niya ako dito sa kusina. Nagluto na ako ulit at biglang lumabas ng CR si Hon. Naka jersey siya at tulad ng anak niya ay pawisan din siya.

"Anong ulam natin, Hon?!"

Lalapit na sana siya sa akin pero tinutok ko sa kanya ang hawak kong sandok.

"Dyan ka lang!! Saan kayo nanggaling ng panganay mo ha?! Ano madami ba kayong nahanap na chix ha, Jerwin?!"

Namutla siya. Kapag kasi tinatawag ko na siya sa pangalan niya, ibig sabihin nun ay talagang galit na ako!

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon