Maricris’ POV
Isang linggo na ang nakalipas mula ang kahindik hindik at karima rimarim na pagtatapat ko este pangyayaring yun.
At para lang naman ho akong may ketong na iniiwasan ni Cente!
“Jam huminahon ka! Ikaw ang mahal niyan! Hahaha!”- Jer
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy na kumain. As usual naman ay nandito kami sa Table 8 sa canteen pero sina Cente at ehem, Nara ay nakahiwalay samin. Tss!
“Ano ba kasing nangyari nung kinulong namin kayo sa kwarto, Cris? Ayaw ding magsalita ni Espren eh!”- Jem
“Oo nga po Ate Cris! Sinusungitan ako ni Kuya pag tinatanong ko kung bakit hindi kayo nagpapansinan pero namumula din yung tenga niya!”- Jay
Tumingin silang lahat sakin. Naghihintay ng henyong sagot.
“Wag nga kayong machismax dyan! Nagkasagutan kami ng di maganda kaya di kami nag-uusap... Psh!”
Mahina naman silang napa ohhh at natahimik... pero saglit lang. Takte!
“Napahamak na nga si Espren para sayo tapos ganyan pa.... tskstsk!”- napapailing na sabi ni Jem
“Wala kang puso Ate! Grabe!”- MM
Magkokomento din sana si Jer pero sinamaan ko na siya ng tingin kaya tinikom na lang niya ang bibig niya.
Tiningnan ko na lang ulit yung dalawa at tangna! Parang gusto kong magwala!
“Hay naku! Bakit ba ang sweet bigla ng dalawang yan?!”- Jem
“Oo nga! Sinusubuan pa ni Nara si Mikhail ng pagkain! Langya!”- Jer
“Oh-oh! Chill lang kayo Ate Cris at MM!”- Jay
Nagkatinginan kaming magkapatid at nanlaki ang mata ko nung halos manlisik na yung mata ni MM kaya binatukan ko siya.
“Aray! Ano ba Ate!”- reklamo niya
“Umayos ka nga dyan!”
“UMAYOS KA DIN KAYA!”- sabay sabay nilang bulyaw sakin.
Padabog akong tumayo at iniwan sila dun. Ubos na din naman yung pagkain ko eh! Tsk!
Nabanas ako lalo dahil sa bukod sa wala pa ding lead ang mga pulis kung nasaan na yung nanay ni Raven, hindi ko na din makontak si Raven mismo!!
TAPOS MAKIKITA KO PA YUNG KALANDIAN NG DALAWANG YUN! TANGINA HA?!
Tinawagan ko si Biboy at tinanong kung nasaan sila.
“Sa pambandang warehouse CH! Alam na!”
May naririning akong ingay at mga daing sa paligid. Napangisi ako. Sakto!
“Sige! Magtira kayo at pupunta ako dyan ngayon din.”
Tinago ko na ulit ang cellphone ko at patakbong lumabas ng school.
Parating na ko Pambansang warehouse... where riot happens!
Jem’s POV
Nandito na kami sa next class namin pero wala pa din si Cris. Malapit ng mag time ah!
“Uy Nara! Nakita ninyo ba si Cris?”
“Nah! Eh diba kayo ang magkakasama kanina?”- sagot niya
Napatingin ako kay Espren at nagbabasa lang naman siya. Dedma ah!
Dumating na ang Prof kaya nakinig na kaming lahat. Tinext ko na siya pero walang reply! Kahit sina Hon, Jay at MM ay hindi alam kung nasaan siya! Hay naku!