Maricris' POV
Sinalubong agad ako ni Papa pagpasok pa lang ng bahay. Tinext ko siya kanina na mag OT ako ngayon dahil maraming kailangang tapusin sa opisina.
Tuwing unang linggo daw talaga ng buwan ay mas busy sa department namin.
"Oh anak... intern ka pa lang, may OT na kayo?"
Nagmano ako at agad na umupo sa sofa. Pagod na pagod eh.
"Ako lang po Pa. Alam ninyo naman pong dun din ang work ko after graduation kaya sinasanay na ako ni Mang Danny..."
Tumango tango siya.
"Sabagay! Sige na, magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas..."
Yun lang at pumasok na siya sa kwarto niya. Papasok na din sana ako sa kwarto ko nung narinig kong parang baliw na tumawa si MM.
Sumilip ako sa kwarto niya at ang loko ay ka-skype pala si Nara.
"HOY ano yan?!"- gulat ko sa kanya at tinabihan siya.
"Ate! Epal ka talaga!"- angal naman ni MM
Tss!
"Hi Cris! How are you? You look haggard!"
Ngumisi ako kay Nara. Maganda na siya noon pa pero parang mas gumanda pa ngayon. Mukha na ngang artista eh!
O baka nagloloko lang tong Skype? Haha!
"Henyo eh! Kamusta naman dyan? Naghasik ka na ng lagim?"
Umirap siya.
"Lagim ka dyan! I'm doing fine naman kahit busy din. Mabuti na lang at makakapamasyal na kami ni Mikhail this Saturday. After a month naman na nandito kami noh! We deserve some fun!"
Natawa kami ni MM dahil parang may pinaglalaban si Nara. Adik din eh!
"Siya sige. Mag enjoy kayo sa pasyal ninyo. Goodnight Nara Ganda!"- paalam ko na
"Nightie Cris! Take care!"
Lumabas na ako ng kwarto ni MM. Bago ako humiga ay narinig kong magkausap pa din yung dalawa.
Damoves mo din MM eh noh!
-----------------------
Linggo at nagising ako dahil sa tawag sa phone ko.
Dali dali kong sinagot iyon.
"Hello?!"
"Cris! Tara gala tayo!"
Napakunot ang noo ko. Si Jem lang pala! Akala ko si Cente ang tumawag. Tsk!
"Hindi pwede. Maglilinis ako ng bahay ngayon. Nilayasan ako ni MM eh!"- humihikab na sagot ko
"Ayy ganun? Sige na nga! Sa birthday mo, labas tayo ha! Ilibre mo kami!"
Tumayo na ako at nag-inat saka tumingin sa kalendaryo.
"Langya! Ang tagal tagal pa nun eh!"
"Ano ka?! Two weeks from now na kaya yun! Maaga ko lang sinabi dahil sa kuripot mong yan eh hindi mo kami ititreat! Hmp!"
Napailing ako. Takte ang hyper ni Jem!
"Oh siya oo na! May allowance naman ako sa OJT kaya may pera na ako sa katapusan"
"Yehey! Recorded to, bruha ka kaya patay ka sakin pag hindi mo tinupad yan! Sige na babye na, nandito na si Hon eh"
Natawa ako. Loka talaga!
"Sige bye!"
Nag ayos na ako at nagsimulang maglinis.
Wala pang text, tawag o PM si Cente mula pa kahapon. Ang alam ko ay kahapon sila namasyal ni Nara.
Tss!
Makapaglinis na nga lang! Magsama sila dun!
Kinagabihan ay nag ring ang phone ko habang kumakain kami.
Si Cente!
Hinayaan ko lang tumunog yun. Bahala siya!
"Ate sagutin mo kaya muna yan?"- MM
"Mamaya na.... Kumakain pa ako eh!"
Yun lang at lalo ko pang binagalan ang pagkain. Nagtitinginan na lang sina MM at Papa. Tsk!
Matapos ang limang tawag ay natapos na ako kumain sa wakas! Naghugas muna ako ng kamay tsaka sinagot na ang tawag.
"Buti naman naisipan mong sagutin pa ang tawag ko...."
Nakasinghal si Cente. Aba!
"Buti naisipan mo pa akong tawagan matapos mong mag-enjoy mamasyal kahapon kasama si Nara..."- singhal ko din sa kanya.
Akala niya siguro papasindak ako sa kanya! Henyo kaya ako!
"I'm sorry, Tomboy. I was fast asleep when I got home yesterday and there's an emergency kanina sa office kaya ngayon lang ako nakatawag..."
Mahinahon na ang boses niya. Tssss!
"Okay lang! Oh may sasabihin ka pa ba? May gagawin pa ako at gusto ko nang magpahinga, may pasok pa ako bukas..."
Narinig ko siyang nag sigh.
"I miss you so much, Tomboy..."
Umirap lang ako. CHE!
"Ok..."
"Mahal kita Tomboy, sobra! Sorry na po Mameh..."
Imbes matuwa ay parang nandiri ako.
Takte kasi napaka pacute ng boses ni Cente eh!
KADIRI!
"Whatever, Cente! Ge bye na! Magtino ka dyan!"
Yun lang at binaba ko na. Wala talaga ako sa mood eh. Baka lalo lang kaming mag-away.
Nag ring ulit ang phone ko. Akala ko si Cente ulit pero sinagot ko agad nung nakita kong si Biboy pala ang tumatawag.
"Wazzup, mah men?!"- natatawa kong sagot
"CH! Pumunta ka dito sa presinto! Nahuli na nila Papa ang pamilya ni Raven!"
