Chapter 22

175 5 1
                                    

Jem’s POV

 

Lalo kaming nagkagulo nung biglang nahimatay si Cris. Yung iba ay nag panic, pero kami nila Nara ay tawa nang tawa.

Binuhat siya agad ni Jerwin kaya napalayas kami dito sa mahabang sofa nang wala sa oras dahil dito siya inihiga.

“Grabe, napaka literal ni Jam! Nung nagising nga si Mikhail ay nakatulog na siya! Langya!”- Jerwin

“Ganyan katapat si CH sa mga salita niya! Hahaha!”- Bok

 

“Ilang araw na akong nandito?”- tanong ni Espren

“3 days anak! Kamusta ang pakiramdam mo? Tinawag lang saglit ng Daddy mo ang doctor..”- sagot ni Tita Sally

“Si Tomboy, bakit nahimatay? May tama din ba siya?”

“Oo Pareng Mikhail, lakas tama sayo! Hahahha! Di nakatulog sa pag-aalala kaya ngayong gising ka na saka pa lang siya nakatulog!”- baliw na sagot ni Budong kaya natawa kami

“Thank God, she’s safe…”

Natahimik kami dun dahil ramdam talaga namin yung love ni Espren kay Cris… Nakatitig siya sa kanya na parang gustong gusto niyang lapitan si Cris.

Bumukas ang pinto at nakabalik na si Tito Dan with Espren’s doctor. Bumulong ito kay Tito.

“E-eherm… Ah sabi ni Doc kung pwede daw sa labas muna yung iba… Ang dami daw tao..”- napapangiting sabi ni Tito Dan.

Nagpaalam naman agad yung bugoks at umuwi na din sina Manang, Daisy, at Marimar. Lumabas din muna sina MM at Jay.

Tahimik lang kami habang sinusuri ni Doc si Espren.

“We’ll run some tests to the patient later and tomorrow, if cleared na siya talaga, pwede na siyang umuwi. Get well soon, Hijo…”- Doc

Kinamayan naman siya ni Espren at ni Tito Dan tapos ay lumabas na din siya.

Salamat naman at okay na si Espren! Whoo!

Maricris' POV


Napabalikwas ako ng bangon nung may narinig akong tunog ng alarm clock. Nasaan na ang mga tao dito?! Bumaba ako ng kama. Paano ko napunta dito? Nasaan na si Cente?

"Aray ko!"

Tinapa! Bubuksan ko na sana yung pinto nung biglang natamaan naman ako nung nagbukas na galing sa labas!

"Ay sorry Cris!"

Si Mang Danny pala! Langya! Nagmano ako sa kanya at ngumiti. Napatingin ako sa orasan at.... Alas tres na ng hapon?!

"Okay ka na ba Cris? Dire diretso ang tulog mo mula kahapon..."

Biglang kumulo ng malakas yung tiyan ko kaya natawa siya. Grabe 24 hours yata akong hindi kumain ah!

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon