SPECIAL CHAPTER 1

176 5 5
                                    

Maricris' POV

"Mameh sorry na nga sabi! Pwede na ba kitang tabihan dyan?"

"HINDE!!! Manigas ka dyan sa sahig!!"

Kauuwi lang namin noong isang araw galing sa honeymoon. At eto, nandito na kami sa sariling bahay namin at nag aaway na agad!

"I want to make babies again! Ni isang round ay wala pa tayo ngayong araw, Mameeehhh"

OA kung OA ang bigkas nya sa huling salita pero hindi ako natatawa dahil malaki ang kasalanan sa akin ng Centeng to!

Dumapa ako sa kama namin at sinilip siya sa sahig para samaan ng tingin.

"Pababalikin mo ako sa AF o isang buwan kang tigang?!"

Sumimangot siya.

"Mameh naman! Kaya nga tayo nag resign--"

"ANONG TAYO?! IKAW LANG NOH AT KUNG HINDI KA BA NAMAN GAGO, INUTUSAN MO PA PALA SI JAY NA TANGGALIN AKO SA TRABAHO!!!"

OO pinatalsik lang naman ako sa trabaho ng abnormal kong asawa! At lalo akong naiinis dahil hindi ko pa yun malalaman ngayon kung hindi ako pumunta sa AF kanina para pumasok sana sa trabaho!

Trabahong wala na ngayon dahil sa unggoy na to!

Tumayo siya at tinabihan ako. Sinamaan ko pa siya lalo ng tingin at tinulak tulak pero nagmatigas siya.

"We already wasted 5 years of not being together, Tomboy and now that we are finally married, I want to be with you every damn second of my life..."

Maamo at seryoso ang mukha niya pero umirap ako.

"You should have asked me first, Cente! Hindi yung ganitong nagugulat na lang ako!"

Humarap siya sa akin at yumakap. Nanatili akong nakahiga ng nakatihaya.

"Don't be mad because we will still be working but as consultants only... We can do that without leaving this house or better yet... this bed!"

Nanlaki ang mata ko nung bigla na lang siyang pumaibabaw sa akin. Shit! He now wears an irresistible grin!

"Hoy hindi pa tayo bati! Umayos ka, Vicente!"

He groaned.

"Bukas ka na ulit magalit, Tomboy! Gawa muna tayo babies! Sayang ang six percent!"

Pinanlakihan ko lang siya ng mata. Nagpatingin kami agad sa OB matapos dalawin ang pamangkin ko sa ospital kinabukasan ng kasal namin. Nadagdagan ng one percent ang chance na mabubuntis ako. Natuwa kami syempre pero sayang at hindi pa naging 100%!

Hindi na ako nakaiwas nung yumuko si Cente para halikan ako. Naramdaman ko din na nag field trip na ang kamay niya sa katawan ko.

Damn! Sige na nga sexy time muna! Bukas na ako ulit mang aaway!

=============

"Morning Dadeh! Ano almusal?"

Niyapos ko si Cente mula sa likod habang nagluluto siya ng almusal namin. Wala kaming kasambahay dito. Malaki din itong bahay pero hindi naman matatawag na mansiyon sa laki. May malawak din na garden at pool sa labas.

"Fried rice with bacon and egg po, Mameh... Maghain ka na at maluluto na to..."

I kissed his cheek tapos ay naghanda na ako sa lamesa ng plato, baso at utensils. Nilapag naman niya agad ang almusal namin.

"My morning kiss?"

Hinalikan ko siya sa labi. Napapikit pa siya pero humiwalay na ako agad at hinatak siya paupo.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon