Chapter 42

85 4 1
                                    

Maricris' POV

"Guys, good job! I am really impressed sa performance ninyong lahat. Even Mr. Alejandro commends all of you! Congrats, guys!"

Si Ms. Lenie iyon. Yung head namin dito sa Finance Department. Nagkagulo kasi ang lahat nitong mga nakaraang araw dahil may nakitang discrepancy sa financial statements. Nagtulong tulong lahat ng staffs at interns para mahanap ang ugat nun at para maayos na din. 

"Thank you, Mam!"- kanya kanya naman naming sagot.

Matapos ang munting announcement ay nag ayos na kami para umuwi. Diretso ako sa bahay ngayon dahil nag-usap kami ni Mang Raffy na thrice a week na lang ako pupunta sa kanila. 

Naawa na yata sa akin dahil lagi lang naman akong tinataboy ni Raven. Tsk!

Pagsakay ko ng kotse ay nakangisi sa akin si Mang Danny. Halatang nakahinga na ng maluwag dahil na solve na ang problema. 

"Balita ko Cris ay ikaw ang naglead sa mga kapwa mo Interns para tumulong sa mga head ninyo sa dept. ha..."

Ngumisi din ako sa kanya at nagkibit balikat.

Henyo eh!

"Salamat naman at okay ka na Cris! Pero medyo kulang pa din sa buhay yang ngisi mo pero ang mahalaga ay maayos ka na kahit paano..."

Ngumiti lang ako at tahimik na kami sa byahe. Mga pagod eh!

Pag-uwi ko ay napakunot ang noo ko nung may narinig akong babaeng tumatawa sa loob ng bahay.

May bisita pa yata kami.

Nagbihis ako ng maayos na damit bago pumunta sa kusina kung saan ay kumakain na yata sila.

"Oh Cris, maaga ka yata ngayon? Umupo ka dito at sumabay na sa amin..."- bati sa akin ni Papa matapos kong magmano sa kanya.

Tumabi ako sa kanya. Katapat namin si MM at ang isang cute na babaeng hindi ko kilala.

"Ahm Jana, siya pala yung Ate Cris ko... Ate si Jana, girlfriend ko..."

Napatalon ang lahat sa ingay na ginawa ng kutsarang nabitawan ko. 

Girlfriend to ni MM?!  

Hindi ko pa nakakausap ng maayos tong kapatid ko tungkol kay Nara dahil nga naging abala sa office. 

Tapos gugulatin niya ako ng ganito?! Langya!

"Hello po Ate..."- mahinhing bati ni Jana sa akin at inabot pa ang kamay.

Tinanggap ko naman yun at alangan akong ngumiti.

Sinulyapan ko si MM. Natatawa siya sa akin. Lagot sa akin ito mamaya!

Nagpatuloy kami sa pagkain. Magkaklase pala ang dalawa sa SLU.

Nakikinig lang ako sa kanila. Mukha namang mabait itong si Jana at napakahinhin. Mukha din siyang inosente kaya siguro nauto ito ni MM.

Pero akala ko ba si Nara ang nililigawan ng mokong na to?! 

Lintek!

Matapos kumain ay nag dishwash agad ako habang yung tatlo ay nag uusap pa din sa sala. Tuwang tuwa si Papa kay Jana. Si MM naman ay hindi ko masyadong naririnig na nagsasalita. 

Kalahating oras pa sigurong nag stay si Jana bago siya hinatid ni MM sa bahay nito. Natulog na agad si Papa samantalang ako ay nanood muna ng TV dahil kakausapin ko ang kapatid ko pag uwi niya.

Dapat talaga ay mag oonline ako para makipag Skype kay Cente pero bukas na lang siguro.

"Oh Ate, hinintay mo pa ba ako?"- bati sa akin ni MM pagpasok niya ng bahay.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon