Chapter 4: Busog!
Maricris’ POV
“I’ll dismiss you earlier since we have a faculty meeting… Continue your seatwork at home and don’t forget to answer your homework… See you next meeting!”- Prof tapos sumibat na palabas ng room
Naghiyawan naman yung mga kaklase ko… Aga ng lunch eh!
Napatingin ako sa katabi kong upuan… Major nga palang subject to.. Hindi ko kaklase si Raven o kahit sino man sa tropa….
“YES!!!”- napatalon ako sa tuwa…
Yeah yeah yeah! Henyo is back!
Biglang tumahimik.. Nakatingin na pala silang lahat sakin =____=
Nginisihan ko na lang sila saka tumakbo palabas ng room…
“I’m free! I’m free! Yes wuhooo!”
Bwahahha! Shet tapos na ang emo days! TAKTE!
Naglalakad na ko papuntang grandstand at halos walang katao tao sa paligid kaya okay lang kahit magsisigaw ako..
HENYO EH! WAHAHAH!
Swerte wala ding tao sa grandstand! Lumaki tuloy ang ngisi ko
Umupo ako sa may pinakatuktok at nilabas yung novel ko… Sumipol sipol pa ko para lalong lumakas yung hangin… WHOA!
“Back to the usual self huh?”
Naramdaman kong may tumabi sakin… Tsk! Minsan na nga lang maging tahimik ang mundo ko eh…
NAKS! AHHAHHAHA! Henyo ko talaga!
“I hate to admit this but I missed your grin...”
Inayos ko muna yung mukha ko (kahit di naman magulo.. LOL!) bago lumingon kay Cente…
“Lumayo ka nga! Shoo laki laki ng space dito eh!”- pagtataboy ko…
“Normal ka na nga ulit talaga…”
“Kelan ba ko naging abnormal? Henyo kaya ko!”
Ngumiti lang siya… Naks! Nagdroga siguro to?!
“Wag mo kong kausapin at wag kang magulo..”- sabi ko na lang saka nagbasa ulit.. malapit ko na ding matapos to eh!
Maya maya napatingin ako ulit kay Cente…
Nakahiga na siya ngayon at ginawang unan yung bag ko =____=
“Matutulog na lang nakakunot pa din ang noo…”- nasabi ko na lang pagkakita sa ichura ni Cente.. ang chaka eh! Hahaha
“Shut up…”- gising pa pala! Nagbasa na lang ulit ako at nilubayan siya…
“Tomboy…”
“Oh?”- di pa din pala tulog to
“Kanta ka nga…”
“Busy ako.. manahimik ka dyan at matulog na lang..”- istorbo na naman eh! =___=
Nanahimik naman siya at sa wakas tapos ko na ang novel na ito! Hahaha, 3 pages na lang kaya…
Henyo ko talaga! Wahaha
Ibabalik ko na sana yung libro ko sa bag ko pero ginawa nga palang unan yun ni Cente.. tsk!
Nakakunot pa din yung noo niya habang nakapikit… Hindi pa din tulog to… Napangisi na lang ako, kawawang bata!
“Hmmmm…hmmmm..”- nag hum na lang ako… baka sakaling makatulog pa tong si Cente.. Bait ko noh?! Wahaha!