Jem's POV
"Good morning Pinas! At syempre sa Honey ko na nakikinig ngayon sa napaka gwapo ninyong lingkod, I love yaaah!"
Boses yun ni Hon A.K.A. DJ Win. Nakikinig kami sa FM station kung saan ay DJ siya araw araw tuwing umaga.
Nginisihan ako ng mga kasamahan ko dito sa nurse station na nagduduty. Tuwing umaga ay kumpleto ang araw ko basta't binobola ako ni Hon on air. Wahaha!
Anyway, may kailangan pala kaming gawin today. Nag Skype kasi kami ni Espren kagabi at binalita niya sa akin na ilang araw na silang di nag uusap ni Cris. Since ngayong araw pa lang uuwi ang parents niya galing sa Hongkong, wala siyang source of information dito sa happenings kay Cris kaya nagpatulong na siya sa akin.
Well! Bestfriend duties, ayt?
Alas singko ang out ko at paglabas ko ng hospital ay nandoon na agad si Hon para sunduin ako. Dumiretso kami sa Alejandro Footware building para puntahan si Cris.
"Alam mo Hon, nitong nakaraan, tuwing dumadaan ako sa bahay nila Jam after work, pansin kong wala pa siya lagi..."- share sa akin ni Hon.
"Baka naman OT or nauunahan mo lang siyang makauwi?"
Umiling siya.
"Hindi ah. Karaniwan ay mas nauuna siyang nakakauwi kaysa sa akin. Kahit nga nung busy sila sa office ay halos nagkakasabay lang kami ng dating sa bahay eh..."
"I hope that she's just busy..."- kibit balikat ko na lang kahit nagtataka na din ako.
Imposible kasing walang dahilan kung bakit bigla na lang hindi nagparamdam si Cris kay Espren eh. Okay na okay naman daw sila at hindi nag-away.
After 15 minutes ay nakarating na kami sa building. Sakto pa na kalalabas lang din ni Cris.
Sinalubong namin siya at hindi ko mapigilang mapasinghap upon seeing her.
Ang laki ng eyebags niya at parang pagod na pagod ang eyes niya. Bagsak din ang mga balikat niya at kahit diretso ang tingin ay halatang may malalim siyang iniisip.
Gosh! She looks like she is stressed? Depressed? I can't even describe her!
"Jam! Anyare sayo?!"- bati sa kanya ni Hon dahil hindi agad ako nakapagsalita.
I expected her to grin, to tell a joke or at least smile back to us but she just stopped walking and looked at us while still wearing a blank and long face.
"Bakit kayo andito?"- tanong niya.
Sinalat ko ang leeg niya. Ang tamlay din kasi ng boses niya.
"Wala ka namang lagnat, Cris. Are you okay? Ang tamlay mo..."- malayong sagot ko.
"Okay lang ako. May kailangan ba kayo? Nagmamadali kasi ako..."
"Bakit? Saan ka pupunta, Jam?"- Hon
Huminga lang siya ng malalim at iniwas ang tingin sa amin.
"Kung gusto ninyo, sumama na lang kayo..."- yun lang at nauna na siyang lumabas at sumakay sa isa sa mga kotse nila Tito Dan.
Tahimik lang kaming nagtinginan ni Hon at nag convoy kami.
"Masama ang kutob ko dito, Hon. Huli ko siyang nakitang ganyan ay nung namatay yung Mama niya..."- basag ni Hon sa katahimikan habang nagmamaneho siya.
Na tense naman ako bigla. Hindi na ako nakasagot. Lalo akong na tense noong tumigil yung kotseng sinusundan namin sa tapat ng isang funeral service at bumaba doon si Cris.