Chapter 31

152 6 1
                                    

Tip: Basahin po muna ulit yung Chap.30, continuation ito. Baka nalimutan ninyo na ang mga kaganapan dahil sa tagal ng UD. Hehe!

Enjoy!

Maricris' POV

Nganga lang si Cente sa sinabi ko kaya bigla akong nahiya. Shit bawiin ko kaya?

"Is that a prank or what?"- magandang sagot niya sakin kaya nabatukan ko siya.

Imbes na sumagot ay nilabas ko na lang yung couple ring na binili ko nung nakaraan.

Pinatong ko yung sa kanya sa palad niya at parang ewan lang siyang tumitig sakin.

"Cente, magsalita ka naman!"

"I'm sorry Tomboy pero mukhang hindi yata tayo nagkaintindihan... Ayokong maging jowa mo..."

Nanlaki yung mata ko sa sagot niya.

"Ay tangina! Eh ano bang gusto mo, landian lang?!"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"I courted you to make you claim the prize so let me rephrase your sentence..."

"Maricris Jam Medel, now that you accepted your prize, fiancée na kita so please behave while I'm away..."

Pinitik ko yung tenga niyang namumula saka ako tumango at yumakap sa kanya. Cheesy ba? Hahaha!

Sinuot namin sa isa't isa yung couple ring na may nakaukit na Criscente.... Mabuti na lang at kasya sa kanya! Henyo ko talaga!

Hinalikan pa niya yung kamay ko pagkasuot niya nung singsing saka ngumiti sakin... Sus!

"You planned this, huh..."- kantiyaw niya... Binelatan ko lang siya tapos humiga ulit sa buhangin.

"Pinag-isipan ko tong mabuti, Cente... Alam kong biglaan pero kasi...."

Shit sasabihin ko ba?! Langya naman oh!

"Kasi??"- tanong niya saka tumabi sakin pero nakatagilid siya at nakatukod yung kamay niya sa ulo niya... Gets? Haha.

"Ayokong umalis ka nang walang commitment sakin... Tss! Kung hindi mo sana makakasama si Nara dun, eh okay lang yun pero wala eh. Tsk!"

"You think too much..."

"Hindi din! Henyo lang talaga ako..."

"This is the best gift, Tomboy.... Thank you..."

Humarap ako sa kanya.

"Hindi naman yan ang bday gift ko sayo eh... Tara na nga para maibigay ko na tsaka namamatay na din yung bonfayah oh..."

"Meron pa? Don't tell me na wedding proposal na yun, Tomboy?"- feelingerong sagot niya kaya nasapak ko siya

"Feelingero! Libro yun noh! Tsk... Tara na at antok na din ako!"

Nauna na siyang tumayo... Pinasan pa niya ako sa likod niya saka mabagal na naglakad papunta sa resthouse...

"I love you, fiancée..."- mahinang sabi niya

"Weh?"

Huminto siya at akmang ibababa na ako pero kumapit ako nang husto sa leeg niya...Hahaha!

"Ang arte mo talaga! I love you too, fiancé..."- bulong ko sa kanya sabay pitik sa tenga niya at halakhak.

==============

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan na bakasyon. Halos araw araw din kaming magkasama ni Cente. 

Pero nitong nakaraang linggo, hindi na masyado kasi busy na kami pareho sa pag-aasikaso ng OJT tsaka kailangan na din naming masanay na hindi masayadong nagkikita.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon