Jem's POV
"Good evening po! Enjoy your night!"
Nagpasalamat kami ni Hon sa usher na nagwelcome sa amin saka tuluyang pumasok sa venue.
"Parang wala pa ding pinagbago ang SLU, noh?!"- Hon
Binati muna namin sina MM, Nara at Jay bago ako tumabi kay Hon.
"I don't think so! Gabi lang kasi kaya hindi mo masyadong nakita!"- kontra ni Nara
Nasa alumni ball kami ngayon ng SLU. Parang kailan lang ay dito kami nag graduation! Wala si Raven dahil hindi naman siya dito gumraduate. Noong bumalik siya sa pag aaral ay nag transfer siya ng university.
"Good evening, ladies and gentlemen! We will start the program proper now..."- host
Talks at performances lang ang naganap. Nagpa games din ang host. Kami naman ay nandito lang sa upuan at panay ang chikahan. Actually, nagre reminisce kami!
"Nami miss ko na ang Table8 mo sa canteen, Ate Jem! Sino na kaya ang tambay dun?"- Jay
"Naku dapat pala Hon inuwi natin yung table na yun! Palitan na lang natin ng mas bago! Ang dami nating memories dung magbabarkada eh!"- Hon
Nagtawanan kami.
"O kaya yung kubo kung saan tayo lagi naka stay kapag walang klase!"- MM
Nag blush si Nara. Wahaha! Isang beses kasi dati ay nahuli namin sila ni MM na naghahalikan sa kubo na yun.
"May I request the SLU alumni couples to go on our dance floor for a sweet dance..."- host
Naghiyawan ang mga tao at ilang couples din ang tumayo.
"Sumayaw na kayo doon! Okay lang ako dito!"- pagtataboy sa amin ni Jay
Hawak kamay kami ni Hon na pumunta sa dance floor kasama sina MM at Nara. Prom feels?!
"Let's have a vibe of romance here with Mr. Mikhail Alejandro and Ms. Cris Medel!"
Nagpalakpakan ang mga tao at napatingin kami sa stage. May performance pala sila?
Nagsimulang kumanta si Espren.
"Well, here we are again;
I guess it must be fate.
We've tried it on our own,
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight"Habang nags-sway kami ni Hon ay napapikit ako dahil sa ganda ng boses si Espren. Nakita kong ganoon din si Nara.
What a heartfelt song for them!
"I still remember when
Your kiss was so brand new.
Every memory repeats,
Every step I take retreats,
Every journey always brings me back to you"Gosh! I had goosebumps when I heard Cris. Napatingin ako sa stage at nakaharap sa amin si Cris at nakapikit habang kumakanta. May space sa pagitan nila ni Espren.
I smiled nung nagkatinginan kami ni Espren.
"After All the stops and starts,
We keep coming back to these two hearts,
Two angels who've been rescued from the fall.
After All that we've been through,
It all comes down to me and you.
I guess it's meant to be,
Forever you and me, After All..."Natigil kami sa pagsayaw at ganoon din sina Nara at MM. Hindi kasi namin mapigilang panoorin yung dalawa na kumakanta sa stage. Magkaharap sila sa isa't isa, hawak kamay at magkausap ang mga mata.
"Perfect na perfect ang kanta para sa kanila! Sana talaga after all..."- Hon
Nangilid ang mata ko. Ang OA pero naiiyak talaga ako!