Mikhail's POV
"P100 000!! PERA O WIL?!"-main host"Kuya ang laki na niyan! Pang tuition na yan ng anak mo!"- co-host
"WIL PO! Tiwala lang! 1 million yan!"- contestant
"AT ANG LAMAN NG COLOR RED AY....."- main host
"JACKPOT!"
Nagtatalon sa tuwa yung contestant na nanalo.
I smiled and switched the channel.
"Congratulations National High School! Nanalo kayo ng P200 000!!"- Host
Nagsigawan yung mga estudyante pati ang audience.
"Maraming salamat po sa inyo! Malaking tulong sa aming eskwelahan---"- Principal
I turned off the television and heaved a long sigh.
"Mikhail! Aba't nanonood ka pa ba dyan?! Tara na at baka malate tayo sa simbahan!"
Nilingon ko si Daddy na bihis na bihis na. Katabi niya si Mommy.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila.
"Dad, I think I should fetch Tomboy! Paano kung magbago ang isip nun at biglang hindi sumipot sa kasal namin?!"
Paranoid na kung paranoid pero hindi talaga ako mapakali! Kasal namin ngayong araw but I can't help but to feel nervous! Very nervous!
Tumawa sila at inakbayan ako.
"Don't worry son! Binilinan namin ni balae sina MM at Carla na itali si Cris kapag nagtangka siyang tumakas!"- Dad
Kumunot ang noo ko. Hinampas siya ni Mommy.
"Kasal na ng anak mo ay puro ka pa din kalokohan! Let's go! Nasa kotse na si Jay!"
Pagsakay namin sa kotse ay huminga na naman ako ng malalim. Damn!
"Relax, Kuya! Ang tagal hinintay ng lahat to! Baka bigla ka na lang mahimatay mamaya!"- Jay
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Siya ang best man. Gusto ni Tomboy na gawing maid of honor si Rhian pero hindi pumayag si Jay. May kasabihan daw kasi na hindi magkakatuluyan kapag naging mag partner sa kasal ang isang couple kaya si Carla na lang. Tss!
Madami na ding mga bisita nung dumating kami sa simbahan. Kumpleto na din ang mga abay namin.
Saglit ko pang kinausap ang wedding organizer namin saka ako naglagi sa altar. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas but it feels like years. Kabado pa din ako dahil wala pa ang bridal car ni Tomboy pati siya mismo.
"I-Im sorry, Cente! I'm sorry! Hindi ako papayag na ikaw na naman ngayon! I rephrase mo! At magtanong ka!"
I knotted my forehead. Nanlalaki lang ang mga mata niyang nakayuko sa akin.
"Will you claim me, Tomboy? Will you marry me?"
"YES! YES NA YES, CENTE!"
I smiled at that memory. It helped me calm my nerves. That was one of the happiest moment of my life.
"Nandiyan na daw ang bride!"
Napalingon ako sa mataas na double doors ng simbahan. Nakita ko ang bridal car pero hindi ko na nakita si Tomboy dahil sinara na ang pintuan. I made a short prayer bago ako naglakad papunta sa likod.
The wedding march started to play. Umiiyak ang parents ko habang naglalakad kami. I hugged them when we reached the altar.
"We love you, anak! We are happy for you!"- Mommy