Jerwin's POV
"Cente! Papasyal lang kami ni Ven sa may butterfly sanctuary sa labas ha!"
Kumunot ang noo ni Mikhail at umigiting din ang panga niya. Alanganin din na ngumiti si Raven kung saan ay nakakapit ngayon si Jam.
"Be careful..."- malamig na sagot sa kanya nitong kaharap ko
Tuwang tuwang hinila ni Jam palabas dito sa restaurant si Ven. Panay din ang daldal nito.
"Mikhail naman! Kung nagseselos ka na ay dapat hindi mo na pinayagan si Jam!"
Halatang halata naman kasi sa hitsura niya na selos na selos na siya sa dalawa. Tatlong buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Jam.
Huminga lang siya ng malalim. Halata din sa mukha niya ang puyat at imbes na masaya dahil nga sa wakas ay magkakababy na sila, mukhang haggard pa itong si Mikhail ngayon!
"We waited for years, Jerwin! Years! And now that she's finally bearing our child, I want to be with her every step of the way because this might be our first and last! Pero bakit ganyan yang bestfriend mo ngayon?!"
Tinanaw namin ang dalawa sa labas na mapagkakamalan mong mag asawa dahil sa sweetness nila. Pansin ko ding laging kinukurot ni Jam ang mga pisngi ni Raven.
"Malas mo pre at si Raven pa yata ang napaglihian niyang asawa mo! Pero bakit kaya ganun? Nung nagbuntis naman si Hon sa panganay namin ay sa akin talaga nakadikit lagi yun eh! Ganun din daw sina Nara, Carla at ngayon nga ay hindi na makapasok sa kompanya ninyo si Jay dahil ayaw palabasin ng mansiyon ni Rhian! Abnormal talaga yang si Jam!"
Napailing na lang si Mikhail at pinigilan ang sariling tumayo para sundan yung dalawa sa labas. Balita ko ay napapadalas ang pagpunta nila sa bahay ni Raven dahil halos magwala daw si Jam kapag hindi ito pinagbibigyan ni Mikhail! Mabuti nga at naiintindihan naman daw ni Shara ang kalagayan ngayon ni Jam. Dapat nga ay next month na ang kasal nila pero naurong daw dahil nagka aberya sa venue ng reception.
"Tanggap ko pa nung ayaw na niyang kainin yung mga luto ko dahil iba daw ang lasa at yung ulam lang sa carinderia sa may kanto namin ang gusto niyang kainin... Tanggap ko na halos ayaw na niya akong lapitan dahil naduduwal daw siya sa amoy ko... Tanggap ko na tatlong buwan na ako ngayong outside the kulambo dahil sa topak niya... Tinitiis ko din na hindi ko na siya nayayakap man lang o nahahalikan dahil naiirita siya... Pero ito, Jerwin?! Shit! I can't accept this! I can't take this anymore!"
Tuliro at dire diretso sa pagsasalita si Mikhail habang kinukwento iyon. Pinapanood din niya yung dalawa sa labas na tawa lang ng tawa. Gusto ko sanang matawa sa sitwasyon nila pero hindi ko nagawa. Kung ako kasi ang nasa lugar niya ay baka naihagis ko na sa Ilog Pasig si Hon!
"Don't worry pre! It will pass! Alam mo namang iba talaga ang takbo ng henyo daw na utak niyan ni Jam eh! Malay mo naman ay bumalik siya sa normal sa mga susunod pang mga buwan..."
Umiling iling siya.
"I doubt it, Jerwin! Lagi na nga akong kinakabahan dahil baka isang araw ay utusan na lang niya ako bigla na mag-impake ng gamit niya para dun na siya tumira kina Raven! Bakit ba sa dinami dami ng tao ay kay Raven pa siya naglihi?! I don't know kung sinasadya na niya to para asarin ako!"
Hindi ko na napigilan ang pagtawa. Parang kasing mababaliw ang hitsura niya habang iniisip na mangyari yung sinasabi niya. Hay naku pasaway ka talaga Jam! Nagawa mong kunsumihin ng ganito si Mikhail!
"Hay naku pre! Ang problema kasi sayo ay masyadong kang under kay Jam!"
Namula ang tenga niya.