Chapter 2: Controversial Kiss
Jerwin’s POV
Kinakabahan ako. Ang bading amp! Pero haaay! Wag kang papalpak Jerwin, chance mo na ito!
“Magtititigan lang ba tayo dito or what?”
Napapitlag ako at huminga ng malalim
“Jem sorry…”
Umiwas siya ng tingin sakin…
“Pinapatawad na kita Jerwin but of course don’t expect me to just forget what you did… yung tiwala ko sayo ganito na lang oh…”- sabi niya tapos nag sign pa siya sa kamay niya nung “konti lang”, yung sa commercial ng Mcdo
Ewan ko pero napangiti na lang ako dun…
“Edi gawin ulit nating ganito kalaki..”- tapos dinipa ko yung dalawang kong braso horizontally… Gets niyo? Hahaha
Alam kong pinipigilan niyang mapangiti kaya inirapan na lang niya ako…
“Dun ka na lang sa childhood sweetheart mo! Malamang first love mo pa siya… Tsk!”- ayan na nakapamewang na si Hon… Obvious ang pagseselos eh! Ayiee!
“Napakabata pa kaya namin nun tsaka crush ko lang siya dati..si Jam talaga ang first love ko noh..”
Kumunot yung noo niya…
“MAY FEELINGS KA PA KAY CRIS?!!”
Lumapit siya sakin at pinaghahampas ako.. AWWTTSSUU!
“Aww Jem Hon teka nga hindi mo naman nagets ang ibig sabihin ko eh! ARAY!”- hinawakan ko na talaga yung dalawang kamay niya.. Sasabunutan na niya ko eh! Waa nahawa na siya kay Jam T___T
“Walangya ka! Sinungaling ka talaga! Ginawa mo lang pala kong rebound!”- nagsimula na siyang umiyak… Shit! Ang fail ko potek!
Niyakap ko siya nang sobrang higpit….
“Jem alam mo ikaw ang knight in shining armor ng buhay ko…”
“W-what?”-sumisinghot pa siya nung sabihin yan
Humiwalay ako sa kanya at pinunasan yung mga luha niya
“Because you saved me from Jam.. you saved me from the hurt I will get for loving her… kung hindi ka dumating malamang hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa katotohanang hindi na hihigit pa sa bestfriend ang tingin niya sakin…”
Mas lalo yatang siyang naiyak sa sinabi ko kaya niyakap ko siya ulit… Hon naman!
Nung medyo kumalma na siya tinignan ko ulit siya.. This time hinawakan ko na yung pisngi niya at tinitigan siya nang husto…
“Oo matagal nang hinawakan ni Jam yung puso ko pero sa isang iglap lang nakuha mo na pala yun Jem… Na sayo na ngayon ang puso ko at hinding hindi ako papayag na bitawan mo pa yan…”
SA WAKAS ngumiti siya… Yung totoong ngiti niya na nakakapagpaliwanag ng mundo ko
“I hate you! Nalabag ko yung no. 1 rule ko sa isang relationship… nang dahil sayo!”
Ouch… Pinilit ko pa ding ngumiti sa kanya kahit ang sakit na masabihang “I hate you” ng taong mahal mo </3
“Bawal na umiyak si Jem at magmukhang kawawa sa harapan ng boyfriend niya or EX boyfriend if tungkol sa kanilang dalawa yung dahilan…”
“I’m sorry..”
Suminghot siya…
“At ngayon I’m also going to break my second and last rule… para din sayo Jerwin!”