SPECIAL CHAPTER 2(MARIVEN)

290 8 2
                                        

SPECIAL CHAPTER 2 (MARIVEN): CH ---> CRIS 

Maricris' POV

"Ate nagtatanong na yung classmates ko kung magkamag-anak daw ba tayo.."- MM

Napatigil ako sa pagsubo ng champorado at tumingin sa kanya... Nag-aalmusal kaming dalawa, namili si Papa sa palengke ng panghanda ko ngayon...

Birthday kasi ng Henyong to kaya kung mapapansin ninyo... ang bait ko ngayon... Wahahhha!

"Oh bakit natanong? Eh hindi nga tayo nagpapansinan sa school ah?"

"Malamang Ate magka apelido tayo tsaka kilala ka ng lahat ng estudyante dun..."- pamimilosopo ni MM

Nginitian ko lang siya... Tsk! Sinasamantala ang birthday ko ah.. sige lang! Psssh!

"Sorry ha pwedeng mag sorry? Tsk! Anong sinagot mo?"- pigil hininga kong tanong....

"Sinabi ko yung totoo.. Honest kasi ako di tulad mo!"- sagot niya at nakangiti pa siya ha!!

Nabitawan ko na talaga yung kutsara ko....

"MM!!!! DIBA SABI KO SAYO WAG MUNA HA?!! ALAM MO NAMAN YUNG SITWASYON DIBA?! BUTI NAMAN KUNG KAYA MO ANG SARILI MO EH HINDI KA NGA MARUNONG MANAPAK MAN LANG!!! "- tokwa napatayo talaga ako... Kaasar pasaway talaga tong isang to!!! ARGH!

Nawala na yung ngiti niya kanina.... Hah!

"Wag kang mag-alala Ate.. JOKE lang yun.. JOKE lang! Sinabi ko sa kanila na hindi tayo magkakilala at wala akong kadugong nananakit ng ibang tao..."- yun lang at tumayo na siya...

Psssh! Loko yun ah! Akala ko totoo na! Napasigaw pa ko! Birthday ko pa naman! ARGH! Hirap talaga magpakabait kahit isang araw lang eh! =_______=

Umupo ako ulit at tinuloy lang ang pagkain... Tsk!

Maya maya sumulpot na naman si MM...

"Tsaka Ate wag mo kong sisihin kung hindi ako marunong na manapak man lang.. sinusunod ko lang yung bilin satin ni Mama... Happy birthday na lang..."- sabi niya sabay kuha nung pandesal at lumayas na ulit...

Natigilan ako sa sinabi niya... at mabilisang nag flashback sa utak ko ang eksenang yun... nung halos sa ospital na tumira si Mama dahil sa sakit niya...

"Cris anak... babantayan mo yang kapatid mo lagi ha! Nakuu lalaki yan eh, baka matutong makipagbugbugan at mapasabak yan sa mga away o gulo! Hindi maganda yun kaya hangga't maaari sa isang school lang kayo lagi papasok kahit pag high school at college na kayo para nasusubaybayan mo ang kilos niya.."

Tumango lang ako sa kanya nung time na yun.... Haaay tigil tigilan na nga ang pangongonsensya sakin! Birthday ko naman eh! Tsk!

============================================

Pumasok na ko sa school at nagkalat na ang mga estudyante dala dala ang kanya kanyang banner at poster para suportahan yung section nila na kasali sa NH Dance Showdown ngayong araw

Dahil birthday ko... rest day namin ng mga bugok ngayon sa tungkulin namin sa mga ga---... hehehe

Sa mga bully dito sa school...

PERO hindi ibig sabihin nun eh free day na nila... ASA PA SILA! Pag may nam-bully ngayon, di na dadaan samin kasi diretso kick out na sila! Aba eh mahal na mahal nung mga gag------.. hihihi...

Nung mga bully na yun ang NH eh kaya behave sila ngayon... Bwahaha!

"Happy Birthday CH!!! Palibre namaaaan!"- Bok

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon