Chapter 1

293 6 6
                                    

Chapter 1: Gusot

Jerwin’s POV

Mag lunch ka na ha! Take care and I love you Jem!

SEND!

“Yay! Lunch na! Tara na!”- naramdaman kong humawak sa braso ko si Janelle

Ewan ko pero nairita ako sa ginawa niya… Bestfriend ko din siya pero sobrang magkaiba sila ni Jam… Sweet siya at babaeng babae kumilos

“Janelle wag ka nang kumapit sakin.. Baka mamaya makita pa tayo ni Jem at lalong magalit sakin yun..”- saway ko sa kanya

Nag pout siya.. “Jem na naman!Hayaan mo na nga yun ayaw na sayo nun!”

“Janelle!”- tumaas na talaga ang boses ko at tinanggal ko na yung kamay niyang nakahawak sakin… Tsk! Hindi ko alam kung bakit ganito na naman siya.. Nag-usap na nga kami na di na siya masyadong didikit sakin dahil nga susuyuin ko ulit si Jem pero ayan na naman siya!

Nag vibrate ang cellphone ko at tinignan ko agad kung sino ang nagtext….

Si Jam lang pala…. Haaay! Asa pa ko na magrereply si Jem sakin… Tsk!

Nasa canteen na kami sunod na lang kayo

Naglakad na kami papunta dun pero di na kami nag-uusap ni Janelle… Alam kong nagtatampo siya pero hays!

Tiniis ko dati si Jem para sa kanya pero anong nangyari? Mahal ko talaga si Jem at miss na miss (100x) ko na siya kaya kahit tiisin ko naman ngayon si Janelle ay gagawin ko, magkabalikan lang kaming dalawa ni Hon.

Nakarating na kami sa table… Nandun na si MM, binabasa yung student handbook niya… Yup dito na din siya nag-aaral, HRM ang course niya

Second week na ngayon ng classes, tapos na ko sa OJT kaya pumapasok na ko sa mga klase ko dito sa SLU

“Hi MM!Asan sila?”- bati ni Janelle kay MM

“Nag-order na po ng pagkain… umorder na din po kayo, ako na pong magbabantay sa gamit natin..”- MM

Nilapag naman namin yung gamit namin at umorder na nga…. Hindi ko nakita si Jam kaya bumalik na kami sa table agad..

Kumakain na pala siya… Hayss!

“Di na naman naghintay tong si Jam! Takaw!”- Janelle, yep Jam din tawag niya sa kanya

“Di pa kayo nasanay, upo na kayo nang makakain na din tayo, matatapos na tong si Mari oh!”

Si Raven yun…. Dito na din siya nag-aaral last semester pa pero ewan ko ba kung bakit ngayon lang siya nagparamdam samin dito sa school

Tahimik lang kaming kumain… Simula nung pasukan lagi kaming magkakasamang lima, okay lang naman kaso ewan ko hindi ako masyadong masaya sa set up na to…

May narinig akong tawa at alam na alam ko kung kanino yun… Lumingon ako sa Table8 at nandun nga sila…

Sina Nara, Jay, Mikhail at Jem…. Kung tutuusin gaun pa din naman ang pwesto nila dun, nawala lang kami ni Jam at si Jay na ngayon yung nakaupo sa pwesto ni Jam dati….

Buti pa sila parang wala lang nangyari… Ganun pa din, si Mikhail tahimik na kumakain, si Jem kausap si Jay at nakakatawa yata ang topic nila tapos si Nara naman kumakain din at kuntento na dun sa tabi ni Mikhail…

“Bilisan mo dyan Jer may klase pa kami ng ala una..”- Jam.. Tapos na siya kumain

Pagtapos nung contest ilang araw ko ding hindi nakita tong si Jam, pag nasa bahay naman nila ko pati si Janelle, nasa kwarto lang siya at hindi kami nilalabas…

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon