Paris' POV (Third person)
"Oh Kuya? Aalis ka na agad? Nung isang araw ka lang dumating ah!"
Walang imik na nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili si Mikhail. Hinayaan lang din niya si Jay na pumasok sa kwarto niya.
"Hindi ka ba magpapakita kay Ate Cris, Kuya?"
Sa wakas ay tumingin na si Mikhail sa kapatid. Naka uniporme si Jay at mukhang papasok na ng school.
"No and don't tell anyone that I returned home, okay? I'm serious..."
Kumunot ang noo ni Jay sa bilin ng kanyang Kuya.
"Pero bakit?"
Naglakad lang si Mikhail patungo sa bookshelf na regalo sa kanya noon ni Cris at inilagay ang tatlong bagong libro doon.
Napansin ni Jay na parang nawala sa sarili ang Kuya niya dahil marahil may malalim na iniisip. Lumapit siya at kinalabit ito.
Tila natauhan naman ito kaya agad itong kumilos para kunin ang isang maliit na maleta tsaka iginiya na palabas ng kwarto ang kapatid.
"Sabay na tayong umalis para hindi na pabalik balik si Manong..."- malayong sagot ni Mikhail.
Napailing na lang si Jay at sumunod sa Kuya niya pababa ng hagdan.
"Good morning Mikhail! Oh bakit dala mo na ang bagahe mo?"- bati ni Dan sa anak.
"Babalik ka na ba sa Hongkong, nak? Ang bilis naman!"- Sally na nagbeso pa kay Mikhail.
Bihis na din ang mag-asawang Alejandro. Late silang papasok ngayon sa trabaho dahil nandito ang kanilang panganay.
"No, Mom. Pa-Singapore na po yung flight ko ngayon. Plantsado na kasi ang business plan para sa expansion natin doon..."
Tumango tango ang kanyang ina.
"You'll stay there for a week, right? Then babalik ka na din agad sa Hongkong or uuwi ka ulit dito?"
"Sa Hongkong na po. I'll be home on November..."
Narinig na nila ang busina ng sasakyan kaya sabay sabay na din silang lumabas. SUV na ang ginamit. Hinatid muna nila si Jay sa SLU.
"Manong, sa airport muna tayo..."- untag ni Dan sa driver nila.
"Dad, pumasok na kayo sa office. I can manage..."- angal ni Mikhail sa balak na paghatid sa kanya.
"Mikhail pagbigyan mo na kami. Dalawang buwan pa ang bubunuin namin bago ka umuwi ulit kaya hayaan mo na kaming ihatid ka sa airport..."- Sally
Walang nagawa si Mikhail kundi sumang-ayon na lang.
"Baka naman gusto mo lang makasilay kay Cris, anak? Hindi ka pa nakuntento sa buong araw na pagii-stalk sa kanya kahapon?"- kantiyaw ni Dan kay Mikhail
Kumunot lang noo ni Mikhail. Naka poker face lang ito at hindi umimik.
"Wag mo na ngang bwisitin yang anak mo!"- bulong ni Sally sa asawa.
Tumawa lang si Dan.
================
Maricris' POV
Katulad ng sinabi ni Rose ay naging mas abala kami sa office kahit pa nga second week na ng buwan.
Okay na din dahil mukhang mas mabilis ang mga araw at may mga bago pa kaming natututunan.
"Uy Cris! Hindi ka ba nag oonline? Hindi mo pa din ina-accept ang friend request ko sa FB ha!"- Rose.
Uwian na. Sa bagay, tuwing uwian lang naman kami nakakapag chikahan dahil kapag lunch break ay madalas na umiidlip kami matapos kumain para makabawi ng lakas.