Maricris' POV
Isang linggo na ang nakakalipas mula nung nailibing ang Mommy ni Raven.
Madami ang nakilibing, kasama na ang pamilya ko, pamilya ni Cente pati sina Jer at Jem.
Hindi na ako nagtangkang magpakita pa, ayokong mag eskandalo na naman si Raven.
"Cris anak! Oh bakit hindi ka pa nagbibihis?"
Si Papa yun. Linggo ngayon at mamamasyal daw kaming pamilya.
"Pa, hindi po ako sasama. Masakit po ang puson ko eh..."- pagdadahilan ko.
Pero ang totoo ay pupunta lang ako ulit kina Raven.
"Siguraduhin mo lang... Pag nalaman kong kay Raven ka na naman pupunta... Hay nako, sinasabi ko na sayo Cris! Ikukulong na kita!"
"Hindi po... Sige Pa, ingat kayo..."
Tsk! Napilitan akong sabihin sa kanya na galit si Raven sa akin dahil nagtaka siya kung bakit nasa malayo lang ako nung libing.
Umalis na sila at naghintay muna ako ng isang oras bago ako mag-ayos para umalis.
Habang nagbibihis ay napakunot ang noo ko. Maluwag na din masyado itong isang pantalon ko. Pati nga yung slacks at skirt na business attire ko ay maluluwag na din sa akin.
Pumayat ba talaga ako? Nakng!
Tumunog ang phone ko at agad na sinagot yun.
"Hello Cris! Next time ka na lang pumunta ha, nagyaya kasi si Rhian na mamasyal ngayon..."
Si Mang Raffy yun. Tinutulungan niya akong makipag ayos kay Raven.
"Ah sige po, Mang Raffy! Mag enjoy po kayo..."
Yun lang at natapos na ang tawag.
Nagbihis pa din ako ng pang-alis at nagdesisyong pumunta ng SM para bumili ng bagong slacks. Masyado kasing lumuwag yong ginagamit ko.
Hindi ko naiwasang titigan ang sarili ko sa salamin. Pumayat nga ako. Blangko ang mga mata at mukha.
Para akong si Cente noong kasagsagan pa ng contest.
Nag sigh ako.
Isang linggo na din mula nung nag Skype kami ulit ni Cente at humingi ako sa kanya ng space. Hindi ko alam pero kailangan ko lang talagang gawin yun.
Madami siyang tanong pero ilan lang ang sinagot ko. Ayaw niya pero nirerespeto daw niya ang desisyon ko. Nagbilin pa siya na alagaan ko daw ang sarili ko dahil mukha daw akong nagdodroga.
Siraulo talaga!
Hindi ko mapigilang mapangiti tuwing naalala ko ang reaksyon niya nung nakita ako ulit sa webcam matapos ang ilang araw.
Kulang na lang ay sakalin niya ako dahil sa pagkayamot niya.
Hay! Tama na nga Cris!
Kailangan pagbalik ni Cente ay buo na ako ulit. He deserves only the best at hindi ako ganun sa ngayon.
Pero sobrang namimiss ko na siya.
Tsk!
-------------------
Nauna akong nakauwi ng bahay kaysa kina Papa at MM.
Buti na lang!
Nang dumating sila ay natulog na agad si Papa dahil may pasok na naman bukas.
Si MM ay may kausap sa telepono.
Napakunot ang noo ko. Nitong nakaraang linggo ay hatinggabi na ako nakakauwi dahil nga pumupunta pa ako kina Raven pagkatapos ng trabaho. Madalas ay mga tulog na sila pero minsan ay naririnig ko si MM na may kausap sa phone.