SPECIAL CHAPTER 3(MARIVEN)

237 6 1
                                        

SPECIAL CHAPTER 3 (FINAL): WASAK NA NAMAN

Graduation Day

Maricris’ POV

“I want to congratulate all the graduates today! Gusto ko ring pasalamatan ang mga mag-aaral na nagdala ng karangalan sa ating eskwelahan.. sa ating mga quizzers na taunang pinatunayan na matatalinong estudyante ang mga taga NH…”- Mr. Principal

Nagpalakpakan kaming lahat bilang pagpupugay sa mga quizzers.. NAKS!!!                             

“….sa ating mga athletes na nag uuwi ng mga medalya tuwing may mga palaro lalo na sa labas ng ating paaralan…”

Nagpalakpakan ulit ang lahat…. Umaakyat din kasi sila ng stage para bigyan ng medal at certificate…

“….sa mga talented nating estudyante na nag uuwi ng kampeonato sa singing at dancing contests…”

Naghiyawan ang mga tao at tumayo na din si Raven pati ang iba pang members ng Marven Dance Troupe kasama yung iba pang estudyante para tumanggap ng medal….

“….at higit sa lahat.. gusto kong pasalamatan ang Student Action Group sa pagtulong ng malaki para tuluyang mawala ang karahasan at matinding bullying na nagdala ng masamang impresyon sa paaralang ito noon…”

Nagpalakpakan ulit at kasama kami ng mga bugok sa umakyat sa stage….

“Oh nandito din pala si Bok… see you ulit sa June ha!”- pabirong sabi ni Mr. Principal kaya umugong ang tawanan…

“Bwahaha..kawawa ka naman.. Repeater!”- asar ni Budong kay Bok

“Okay lang yan pre… at least may medal ka ulit next year… doble yung sayo samin isa lang! Hahahha!”- Biboy

“Hmp! Ang sasama ninyo! Wag na kayong magpapakita sakin kahit kelan pagtapos nito!”- Bok

“Aba’t talagang hindi tayo magkikita kita… Hoy Budong at Biboy, wag kayong magpapakita sakin na tatlo hangga’t hindi nakakatapos ng high school si Bok!”- sabi ko sa kanila kaya binatukan nung dalawa si Bok at sinisi nang husto.. Hahaha!

“Tangna kasalanan mo to Bok! Ang tamad mo kasi!”- Budong

“Gago ka na nga bobo ka pa! Aissh! Pati kami damay sa parusa ni CH!”- Biboy

Napangisi na lang ako at bumalik na kami sa upuan at nagpatuloy na ang programa….

 “First Honorable mention… Maricris Jam Medel!”- adviser ko

Tumayo na ko pati si Papa at umakyat sa stage para sabitan ng medal…

Kuntodo hiyaw naman si Raven at yung mga bugok.. parang tanga lang =______=

“Congrats anak! Matatanggap mo na regalo mo pag-uwi!”- Papa

Napangisi na lang ako dun…. Yes!!!! Sarap talagang maging Henyo!

Pagtapos ng graduation, umuwi na agad kami, may konting kainan sa bahay pero si Raven at yung mga bugok lang ang invited…

“Wow!!!! AKIN NA TO?!!”- bulalas ko saka ininspeksyon yung isang bike na nasa may terrace namin…

Tumango lang si Papa… Whoaaa yehey may bike na ako!!!

“Naks CH! May bike na pahiram kami!”- Bok

“Hep hep hep! Bawal! Pasok na tayo sa loob.. dun dun!”- pagtataboy ko sa kanila at sumunod na lang sila…

“Hoy ikaw bike ko dyan ka lang! Bukas gagamitin na kita! Wahahah!”- paalam ko dun sa bike

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon