Chapter 6

231 7 2
                                    

Chapter 6: Damubs

Nara’s POV

“Cris malapit na debut mo… Any plans?”

“Oo nga noh Ate… May cotillion ka?”- MM

Nilunok muna niya yung kinakain niya (her mouth is full!) saka uminom ng tubig… Gross!

“Ewan..”- magandang sagot niya saka kumain ulit

Napasin kong nagkatinginan sina Mikhail at Raven… Okaaay?

As usual nauna siyang natapos kumain sa aming lahat… To think na good for two persons yung lunch niya lagi ah! =____=

“Cente ang sarap ng red sinigang mo… nung nakita ko to sa TV nandiri pa ko pero masarap naman pala…”- Cris sabay binalik na yung lunchbox kay Mikhail

“Of course  masarap yan.. Di ako magluluto ng pagkaing di mo magugustuhan Tomboy, baka bugbugin mo pa ko…”- naka smile na sagotni Mikhail (</33)

Tumawa lang si Cris… “Hahhaha!Takot kana saken sa lagay na yanCente? LOL ang Henyo ko talaga! Wala namang dahilan para bugbugin kita eh! Baka mabasag pa yang salamin mo, ano bang grado niyan?”

Tinanggal naman ni Mikhail yung salamin niya at isinuot yun mismo kay Cris… I don’t know pero alam mo yung feeling na nasa isang table naman kaming lahat pero parang may sarili silang mundo? Pinapanood nga lang sila ni Raven eh!

“Ah ang labo naman!Sakit sa ulo!”- Cris tapos tinanggal na niya ulit yung salamin at isinuot yun kay Mikhail….

The distance of their faces is dangerously close but they seem comfortable with it… YES, EVEN CRIS!

“Taas pala ng grado niyan!Ang labo ng mata mo Cente! Bakit ba lumabo yan?”

Nagkibit balikat lang si Mikhail… “Reading is my hobby ever since I was a kid… baka dahil dun...”

“Naks!Buti nalang medyo malaki nako nung nahilig magbasa… Bente bente pa ang grado ng mata ko… Henyo pa! Wahahha!”- pagyayabang nanaman ni Cris… Di pa din naglalayo yungmukha nila +___+

Nag small smile lang si Mikhail at pinindot, yes pinidot nung hintuturo niya yung left cheek ni Cris!

“Hmmm you’re getting chubby…Bawasan ko kaya ng konti yung lunch mo Tomboy?”

“Hoy kasalanan mo din kung bakit ako tumataba! Tsaka bakit mo babawasan?Ayaw mo sa chubby, ha Cente?”- nanlalaki ang mata ni Cris…Basta pagkain eh! Gosh +__+

Tinigilan naman ni Mikhail yung pagpindot sa pisngi ni Cris at tumingin sa nanlalaking mata ni Cris…

Nagkatitigan sila ng 3 seconds?Napahigpit yung hawak ko sa tinidor.. Dang I’M JEALOUS!

“I don’t know…pero bagay sayo maging chubby Tomboy…”- sabay mukhang gigil na pinisil ni Mikhail sa pisngi ni Cris…Dalawang kamay talaga! Natawa sila kasi nabanat yung mukha ni Cris making her look chubbier…

Tinanggal naman agad ni Mikhail yung kamay niya bago pa man yun mapalo ni Cris…Namumula yung pisngi niya at ang sama ng tingin niya kay Mikhail…

“Binabawi ko na yung sinabi ko kanina Cente! Baka gusto mong mabulag sa bugbog ko! Tsk!”- Cris na hinihimas pa yung pisngi niya…

Mikhail smirked… “If that happens, I will never cook again for you… Want that Tomboy?”

Ngumisi lang din si Cris…. “Maswerte ka Cente masarap kang magluto kaya di kita bubulagin pero bubugbugin pa din kita pag kinurot mo nanaman ako ng madiin!”

“HEP! Kanina ang sweet ninyo tapos ngayon nag-aasaran nanaman kayo! Hay nako! Tara na next class na natin oh!”-Jem

Naghiwa hiwalay na kami pero ako pati sina Mikhail, Jem at Cris ay classmates sa subject na to kaya magkakasama kami… I felt Jem pat my shoulder two times….

I looked at her and she’s wearing “that look” so I just nodded… She knows I’m jealous a while ago…

I’m glad tapos na ang lunch time and ako ang katabi ni Mikhail sa upuan sa subject na to….  Hindi lang ako naiinis pag nagseselos…

Nasasaktan pa… Haaay why do I love you ba Mikhail?

“Nara, are you okay?”- Mikhail asked pagkaupo namin…

Tumango lang ako… He’s still concern about me at alam kong hindi magbabago yun…

Well, sana lang magbago yung pagtingin niya sakin…

Wala akong balak na maging sister lang sa kanya… Never!

MM’s POV              

“Tol mukhang nagkakamabutihan na sina Kuya at Ate Cris noh?”- tanong ni Jay

Nakatambay kami ditto sa library… Vacant pa din naming pareho, magkaklase kami sa last subject ngayong araw tapos uwian na…

“Siguro… pero mukhang okay din sina Ate at Kuya Raven eh.. Ewan ko ba dun kay Ate!”

Natawasi Jay… “Lakas kasi ng dating ni Ate Cris eh! Tamo nga pati ako naging crush siya! Ikaw crush mo pa din si Ate Nara?”

Hindi ako nakasagot agad… Naalala ko kasi yung mukha niya kanina eh, halata namang nagseselos siya..malamang nasasaktan din yun! Tsk!

“Oo naman… Mas maganda pa din kung siya ang naging fiancée ni Kuya Mikhail, mas bagay kaya sila..”

“Wala eh! Kay Ate Cris tinamaan si Kuya!Ayaw mo nun mas may chance ka kay Ate Nara? Sa totoo nga lang medyo naaawa ako sa kanya eh..”

Napatingin ako sa kanya… Nagsusulat kasi kami pareho ng notes habang nag-uusap..

“Ako na ang nagsasabi sayo MM, devoted yung si Kuya na mapasagot si Ate Cris at maging fiancée na talaga, kawawa talaga si Ate Nara kasi wala siyang aasahan dun kay Kuya kaya kung ako sayo liligawan ko siya, malay mo naman diba?”- seryosong sabi ni Jay

Napaisip ako sa sinabi niya… Ako, liligawan si Nara?

Ewan ko pero uminit yung mukha ko dun…

“Pinagloloko mo ba ko?”- tanong ko tuloy kay Jay

Natawa lang siya… “Seryoso ako dun tol… ngayon pa lang kumilos kana habang maaga aga pa..”

“Pag-iisipan ko…”

~After 3DAYS

“Hi MM!”- tumabi sakin si Nara…

Pinag-isipan kong mabuti yung sinabi ni Jay…

At may desisyon nako… papanindigan ko na to tutal nandito na din naman si Nara…

“A-ah buti nakapunta ka agad… may gusto ka bang kainin? Bibilihan kita…”- tek kinakabahan ako!

Umiling naman siya…

“Busog pa ko… Ikawba? Don’t tell me pinapunta mo ko dito para magpalibre?”- tapos ngumiti pa siya

Dug-dug-dug

Umiwas ako ng tingin sa kanya… Concentrate MM!

“H-hindi ano..may sasabihin lang ako… importante..”

Tumaas yung kilay niya… Ang taray tignan pero maganda pa din siya… Umayos ka nga MM!

“Ano yun?”

Huminga ako ng malalim… Namamawis yung kamay ko kahit hindi naman ako pasmado… First time ko to kaya hindi ninyo ko masisisi!

“Gusto kitang ligawan Nara…”

“WHAT?!”

Picture nila sa right side po pero hindi po nagsasalamin si MM… LOL!

AN: LOL sa name ng chapter! BWAHAHHA The moves yown kung medyo hindi nagets!XD Hopefully makapag update ako ulit bukas..Baka mas maging matagal ang updates kasi lalayas ako ng bahay! Hahahha! Thanks sa read! Comment lungs kung gusto.. LOL!

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon