Maricris’ POV
Sa Boulevard kami nakarating ni Cente. Umupo lang kami sa konkretong upuan dito, nakapagitan sa amin yung picnic basket na bitbit niya. Gutom na ko!
Kumuha agad ako ng sandwich dun at kumain. Nakatingin lang si Cente sa dagat at mukhang binibilang pa yata ang hampas ng alon. Haha.
“Oh ano na namang pag-uusapan?”- cool kong tanong sa kanya
Kumuha lang din siya ng tinapay at kumagat dun tapos nag sigh siya.
“Di ko alam kung paano magsisimula... Tss..”
Tinawanan ko siya... “Weak! Ako lang talaga ang Henyo satin! Sige simulan natin sa topic. Ano ba ang topic ng usapang to?”
Kumuha pa ako ulit ng sandwich at nilantakan yun. Sarap meeen!!
“Make me believe you....”
Kunot noo akong tumingin sa kanya... “Ts! Di mo man lang ba napi-feel na... ganun?!”
“Anong ganun?”- tanong niya na kunot na din ang noo
“Na GANUN! Alam mo na yun! Ayaw mo lang maniwala!”
“That you love me? NO, I can’t feel it!”
Naihampas ko yung picnic basket sa kanya dahil sa sagot niya.... Aba’t bugbugin ko kaya nang maramdaman?!
“HOY grabe ka Cente ah! Manhid ka ba?! Ts! Kainis!”
“Sige kung totoo nga yun, maligo ka dyan!”- utos niya sabay turo pa sa dagat
“ANO?! Okay ka lang? Eh ang dumi dumi niyan! Abnormal!”
Kakabadtrip ang kaartehan ng Centeng to ah! Daig pa babae!
“Then I don’t believe you! Tss..”
“Edi wag! Sus ako ba ang nawalan, ha? Bwisit!”
Hindi na kami nagsalita matapos nun... Tahimik lang kami habang pinapanood ang magandang sunset. Psh!
“Hindi mo naman kailangang sabihin sakin na mahal mo ako para lang bumawi sa nangyari.... Ts..”
Lumingon ako sa kanya... Nakatingin din sya sakin...
“Anong ibig mong sabihin?”
“Kaya mo lang naman sinabi sa akin yun kasi nabaril nga ako diba? I dont’t need your pity, Tomboy. Ayokong sinasabi mo sakin yun dahil lang naaawa ka sakin...”
Natawa ako sa sinabi niya. Takte parehas pa sila ng inisip nun ni Raven! Langya! Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumigil ako sa pagtawa, pero nginisihan ko siya bilang pang asar. Wahaha!
“Una sa lahat, hindi ako maawaing tao noh. Asa ka naman! Aish! Makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko, okay? Di ko na uulitin to, Cente!”
Tumango lang siya at dumikit sakin. Kinandong niya yung picnic basket.
“Sa hindi ko malamang dahilan, nalaman ni Raven ang tungkol sa contest. Ongoing pa yun nung time na yun. At dahil ayaw kong pumayag na makipagbalikan sa kanya, binlackmail niya ako na ipagkakalat ang tungkol dun kapag hindi ko siya binigyan ng second chance...”
Nag pause ako saglit at pinagmasdan ang pagbubukas ng mga ilaw sa paligid dahil alas sais na din ng gabi. Ganun din si Cente.
“Kay Mang Danny agad ako lumapit nung time na yun kasi hindi ko na alam ang dapat gawin... Pinayuhan niya ako na sabihin kay Raven na pagkatapos na lang ng contest manligaw ulit at kapalit nun ang pananahimik niya tungkol nga sa contest...”