Chapter 24

162 7 3
                                    

Maricris’ POV

“Oh Biboy, anong balita?”

“CH, wala pa din eh! Magaling magtago... Iba talaga pag may pera!”

Bumuga na lang ako ng hangin...

“Sige sige... Salamat... Basta tawag agad ha pag may balita na...”- paalam ko sa kanya at binaba na ang tawag.

“CRIS! Tara na! Sino na naman bang kausap mo dyan sa phone?”- Jem

Ngumisi lang ako sa kanya at tumakbo na pasakay sa kotse ni Jer kung saan sila nakasakay. Pinaandar naman ito agad ni Jer at napatakip ako sa tenga nung humiyaw si Jem na nasa passenger seat at MM na katabi ko dito sa likod.

Natawa lang si Jer. Tss!

“Hoy teka saan ba tayo pupunta? Kung sa SM lang din, ayokong sumama!”- angal ko agad

“SM ka dyan?! Lutang ka na naman Cris! Magpipicnic nga tayo sa **** ngayon! Yay!”- excited na sagot ni Jem.

“Picnic sa ****?! Leche ang corny ninyo! Bababa na ko!”

“Ang KJ mo Ate! Luto kaya namin ni Kuya Mikhail yung mga kakainin natin dun!”- MM

“Wala akong pake! Basta ayokong sumama! Hahuntingin ko na lang yung nanay ni Raven kesa sa kakornihan na yan... Tsss!”

“Hay naku Jam! Wag ka ngang ano! Alam naman namin kung bakit badtrip ka na naman dyan!”- Jer

“True! Grabe naman kasi yang pride mo eh! Pinapasama ka na namin kanina dun sa kotse ni Espren tapos ayaw mo pa... Tsktskk! Ayan tuloy nagsosolo na naman sila ni Nara dun ngayon!”

Kinuyom ko ang kamay ko at huminga ng malalim. Bruha talaga tong Jem na to!

“Eh malay ko bang hindi pala natin kasama si Jay!”- asar na sagot ko.

“Ewan ko sayo, Cris! Ang gulo ninyo pareho ni Espren, hindi na namin alam ang gagawin sa inyo!”- Jem

Dumakdak pa ng kung ano ano si Jem kaya natatawa na lang sa kanya sina MM at Jer... Pero ako, ugh ayoko na dito! Nangangati na naman yung kamay kong manuntok!

Sumandal na lang ako sa may bintana at pumikit. Makatulog na nga lang. Bwisit!!

Jem’s POV

After 45 minutes, nakarating na din kami! Hahaha at etong si Cris ay nakahiga na sa lap ni MM dito sa backseat, tulog na tulog eh!

“Eto unan MM oh... Hayaan mo munang matulog yan dyan..”- Hon sabay bigay ng unan kay MM. Pinahiga naman niya sa Cris dun at bumaba na kaming tatlo. Binuksan na lang namin yung bintana ng kotse at pinatay yung aircon.

Naglatag na kami ng kumot sa damuhan at nilabas na din nila Espren at Nara yung picnic basket. Mukhang bagong gising din si Nara.

“Si Tomboy?”- hanap agad ni Espren

Nginuso ni Hon yung kotse niya... “Andun... Tulog..”

“Aba himala yata at hindi pa siya gutom!”- Nara

Natawa kami...

“Iba kasi talaga ang nagagawa ng selos..”- MM kaya napatingin kaming lahat sa kanya... Kumuha lang siya ng sandwich sa basket at kinain ito.

Nagpicturan kami at nagkwentuhan muna ng kung ano ano habang hinihintay na magising si Cris. Yari kami dun pag di namin siya hinintay kumain! Hahaha.

“Jam?! JAM!”- napatayo bigla si Hon kaya napalingon kami sa pwesto nung kotse niya.

Hayun at tumatakbo palayo si Cris at parang may hinahabol!

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon